PT: January 2012 Archive

001.Monday_January 9, 2012 – First Day Funk
Puro admin ang nagawa ko sa araw na ‘to hehe simula na ng petiks-mode! haha kidding! :p Met with the HR pips, had my picture taken for the Company ID, nag-open ng bank account sa BCA (read as beh-cha-ah) hehe! met with my Boss and some colleagues (sinimulan ko na ang pagbilang hanggang sa 19th guy! haha jokelang! :D) Pero di ko matandaan yung mga pangalan ng mga pinakilala sa’kin, hirap i-pronounce haha!:D at the end of the day, bought a new simcard for my local number! :D


002.Tuesday_January 10, 2012 – Red Orange!
Here’s my new fave..kapalit (temporary lang! hehe) ng Chippy Red at Coke! Eto lang kase ang nakita kong murang chichiria sa Kem Chicks eh, at super nagke-crave ako ng junkfood sa araw na ‘to! Tas iniiwasan ko (kunyari hehe) yung Coke, eh wala akong mahanap na Royal Tru-Orange, wala pala talaga–Fanta Orange ang substitute! hehe! :D
.
.
003.Wednesday_January 11, 2012 – Sick Leave!
So hindi ko na ngang feel pumasok ng office sa araw na ‘to… Actually, I was already preparing for work, nakaligo na and all, kaso ang sama talaga ng nararamdaman ko—fever + headache + runny nose! So I decided to stay home and rest (bago ko pa makalimutan ang salitang “Pahinga”!) :D


004.Thursday_January 12, 2012 – Indomie Mi Goreng!
Found Indomie Goreng at Kem Chicks awhile ago! :D Tried this before in Zamboanga City, malapit na sa lasa ng Lucky Me pancit canton! :D Pwede na, pantawid-gutom! hahaha! tipid mode?!
.
.

005.Friday_January 13, 2012 – UnLUCKY Friday
So hindi nga ako nakaligtas sa kamalasang dala ng Friday the 13th! Read a separate post for the full story hehe! In summary, eto ang mga nangyari sa araw na ‘to: naputol ang eyelashes ko sa right eye, naligaw kame sa Jakarta on our way to the office, bigla akong naging busy nung bandang hapon ng araw na to! :D
.
.
006.Saturday_January 14, 2012 – Apartment-Hunting + Food Tripping
Went to Sudirman Park to check on the available units–ang aming future na tirahan for the next 11 months! hehe! :D Met with Anak then went to Grand Indonesia Mall para mag-lunch! Tried Nasi Langgi (yan mismo yang nasa picture! hehe!) ..sobrang anghang, sinipon ako! hehe! carry lang ang lasa, pwede na haha! :D

007.Sunday_January 15, 2012 – Cry-ola Moment
Nagbabad sa FB, with my Thirstday Groupmates, masaya naman ang palitan ng comments, kulitan lang just like the old times.. Pero after a few hours, yun na! Malungkot pala talaga sa araw na ‘to! Hayst! :((( biglaan, sudden rush of emotions! badtrip ang mga gan’tong moments eh! hehe! ooh the rush of sad hormones! walang picture, ayoko!

008.Monday_January 16, 2012 – Bread for Dinner!!! :)
Hehehe! Ngaung araw nagsisimula ang pagtitinapay sa dinner! o ha! diet-mode daw! hehe! ni-try kong bilhin yung Chicken Spicy Floss ng Crystal Jade My Bread sa may Pacific Place Mall! hayun! masarap naman, feeling ko mas masarap kesa sa Bread Talk! haha! tas may 20% discount pa pagpatak ng 6pm! hahaha! sarap na, tipid pa, at diet pa! haha! Mula ngaun, fave ko na to! :D

009.010.Tuesday&Wednesday_January 17-18, 2012 – Walang Nangyari!
Yep! walang nangyaring kakaiba! the usual routine: light breakfast sa umaga, work ng konti sa office sabay inum ng libreng kape! Tapos lunch ng bongga sa Pacific Place (Pe-Pe haha!), then work ng konti sa hapon sabay inum ulet ng libreng kape! tapos before I know it, uwian na! haha! :D

011.Thursday_January 19, 2012 – THIRSTday Session via GAMx
Nami-miss ko na’ng magtrabaho thru GAMx! as in! kaya lagi akong nakatambay sa calendar workspace ng Thirstday Group! yun lang ang active na workspace sa groove ko! haha! loser! Buti na lang, may chat session sa araw na ‘to! I was saved from boredom! haha! :D

012.Friday_January 20, 2012 – Bored to Death
Buong umaga, nag-asikaso ng KITAS sa immigration, tapos sabay early lunch na agad! hehe slacker?! busog mode! Tapos sa hapon, tahimik…namimiss ko ang ingay sa staff area. May mga ginagawa ako, pero feeling ko nagbabagal ako! busy ako pero parang hindi haha! hanggang sa inuwi ko na lang ang trabaho! hayst! pero mga bandang gabi na, biglang may nag-aya ng gala, kaya na-busy ako sa pag-eempake! haha! amazing! umayos bigla ang akala-kong-sira na DSLR! yehey! :D))) just in time for the gala!!!

013.014.Saturday&Sunday_January 21-22, 2012 – First Out-of-Town Trip!
Yey! sa wakas may gala ako ng long-weekend! hahaha! kala ko magmumukmok lang ako sa bahay sa weekend na to eh! thanks Anak and friends sa pag-aya sakin. :)
Ako naman, pag gala, di talaga tumatanggi eh, kahit di ko pa kilala yung iba! haha! :D

More adventures on the list! :D

015.Monday_January 23, 2012 – Holiday!
Dahil walang pasok sa araw na ‘to, gala-mode on pa rin. Walang pagod eh! hahaha! kahit nagpuyat at bumyahe ng matagal nung Sabado’t Linggo, game pa rin! hehe! Went see MONAS (Monument Nasional) with Marylove. Unang pagsakay ko ng bus sa araw na to! hehe parang MRT pero bus un! hehe! After MONAS, lunch sa may Plaza Senayan.. As usual kakaibang pagkain na naman ang ni-try, NASI GANDONG! ako na! haha! goodluck digestive system! :D

016.Tuesday_January 24, 2012 – Secret Refuge
Suddenly felt inspired sa araw na ‘to! ayee! wala, na-feel ko lang na inspired ako…hehehe at nakapag-sulat na naman ako ng tula sa kalagitnaan ng ka-busyhan (multi-tasking huh?), and it’s dedicated to ABTS… [Read Secret Refuge] masaya na malungkot.. masaya kase inspired. malungkot, kase hanggang dun lang yun! hindi pwedeng makatakas sa ilusyon, baka masaktan lang! haha! labo no? haha! weirdo ko! :D
.
.
017.Wednesday_January 25, 2012 – Walang Nangyari!
Yep copy-paste ko lang! :D walang nangyaring kakaiba! the usual routine: light breakfast sa umaga, work ng konti sa office sabay inum ng libreng kape! Tapos lunch ng bongga sa Pacific Place (Pe-Pe haha!), then work ng konti sa hapon sabay inum ulet ng libreng kape! tapos before I know it, uwian na! haha! :D

018.Thursday_January 26, 2012 – Auditor turned Editor! haha!
Buong araw akong nagche-check kung tama ba ang pag-translate ng Bahasa into English! haha! at pinagpuyatan ko pa tlaga ‘to in fairness! haha! bigla akong nagpa-pressure sa senior manager eh! haha! Sana nga tama ang pagrereview ko! haha! @.@
Pero ang nakakatuwa sa araw na to, ay SWELDO!!! wow! feeling milyonarya ako!!! hahaha! :D

019.Friday_January 27, 2012 – Pigging Out / First Blood
Baboy-mode sa araw na ‘to! Heavy lunch @ Muffin House, kase may kasamang dessert pa! Reward sa sarili??? hehe! Tas sa dinner, paunang libre ng mga baguhan! hehehe! gan’to pala dito, wagas ang panlilibre! Napa-one and a half cup of rice ako ng wala sa oras! Eto na ang epekto ng pagpipigil kumain ng rice sa dinner ng ilang gabi! tapos dark chocolate frap (no whip hehe! arte!)! hayst, heavy day! :D

020.Saturday_January 28, 2012 – Pedicure
Sa wakas, nakapag-pedicure na’ko! hehehe Improvised nga lang yung cuticle remover–dahil wala akong mahanap na cuticle remover sa supermarket, eh di shampoo with water na lang! haha! carrybels naman eh, malinisan lang ang kuko! buti na lang may baon akong red nail polish, eto na lang ang laging kulay ng kuko ko sa paa! haha!

021.Sunday_January 29, 2012 – One Last Cry
Wala ng tanong tanong, basta, trip kong umemote sa araw na ‘to! ulet, sudden rush of sad hormones! haha! grrr! :((( gan’to ata talaga pag Sunday eh! haha! :D

022.Monday_January 30, 2012 – Ako na ang Vain!
Eto ang pinaka-slack na araw, so far! haha! amp! umaga pa lang, nagpa-late na…habang nagpapalipas ng oras, nagpipikchur-pikchur nako sa bahay bago pumasok ng opisina! hayst! tas pagkadating ng office, nag-asikaso ng ipapadalang pera sa Pinas (o ha! hehe).. tas asikaso ng request for advance payment para sa apartment.. work ng konti, tas relax, tas naboro, umuwi ng maaga than usual! buti walang traffic. tas pagkadating ng bahay, internet na naman.. tas hayun, pikchur pikchur na lang.. kaya eto, pinikchuran ang sarili! :D [vain na’ko sa lagay na yan! haha!]

023.Tuesday_January 31, 2012 – Starbucks Dark Mocha Frappe! <3
No whip, non-fat milk please! hehe! ako na ang nag-inarte! nagke-crave ako ng frappe so hayun bumaba ako ng office para bumili sa starbucks. At in fairness, si Ate Barista hindi nagkamali sa paghula na isa akong pinoy! hehe! Na-curious ako kung bakit nya alam na pinoy ako (lagi kase ako napagkakamalang Malaysian! haha! ang latest ay kaninang umaga sa taxi!). Kaya tinanong ko si Ate “How did you know I’m a Filipino?” Sagot: “The way you speak English, it’s different..:)” Hindi ko alam kung mapa-flatter ako, or maiinsulto! haha! pero gusto kong isipin na compliment un! ahahay! :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s