PT: February 2012 Archive

024.Wednesday_February 1, 2012 – New!!!
First day of February and I’m introducing a new page in this blog. It’s called Post-it Thoughts and Quotes hehe! :) I happened to hop into this certain blog that got me inspired to post my fave quotes! :) copycat!

025.Thursday_February 2, 2012 – Milk-Tea
Nagpapaka-healthy ng wala sa lugar! Iba na’ko! Nagti-tea na’ko sa gabi, para matunaw yung mga kakaibang pagkain. :) Tapos nung isang araw, bumili ako ng non-fat milk, to remedy my insomnia attacks. At ngaung gabi nga, natripan ko’ng ipaghalo ang dalawa, at naging (improvised) milktea! tadahhh! at annsabe ng lasa????! Ang pangit!!!! hahaha! :D

026.Friday_February 3, 2012 – Burger
I went out of the office at around 8pm already dahil may mga pahabol na gawain sa opisina! kung kelan Friday afternoon, saka naging busy! :) pero ayus lang, carrybels naman! :D so paglabas ko nga, super haba ng pila sa may sakayan ng taxi, so i decided to go malling, ‘chos! hehe! iniisip ko na kumain ng Beef HongKong Noodles, pero nauwi ako sa pagkain ng Katsu Burger! annyare??! di’ko trip ang lasa! Jollibee pa rin!!! :D

027.Saturday_February 4, 2012 – Food Trip!
As usual bored na naman ako sa weekend na ‘to! walang activity! nag-empake para sa paglipat ng apartment, ta’s nagpapaka-artist, pero struggle haha! So bandang lunch lumabas ng bahay para kumain..dapat Bebek Goreng, pero nung malapit na’ko sa bilihan, biglang umulan! Kaya napa-Sate Kambing (Goat Satay or BBQ) na lang ako sa malapit na karinderya! Buti naman masarap! :D Pero di paawat! Matapos maglipat ng gamit sa bagong apartment ay napa-dinner sa may CityWalk, at tadah!! Sa wakas, Bebek Goreng na! hehe! Masarap pero na-disappoint ako sa ka-kyutan ng bebek! haha! :D

028.Sunday_February 5, 2012 – Sunday Sadness
Ewan ko kung anung meron ang Sunday, at lagi akong nalulungkot! di ko natatakasan ang CRYola moment! boohoo! :( Homesickness ba ‘to? Hindi naman siguro kase nasanay naman akong malayo sa (totoong) bahay namin..pero kakaiba eh, nakakainis ang ganitong lungkot! :( Naglulungkot-lungkutan na naman ata ako! hahaha! grr!!!

Pero sana sa mga darating na Sunday, ay hindi na gan’to! :D

029.Monday_February 6, 2012 – Photographer’s Block
May gan’to din pala sa mga photographer (assuming pwede na’ko ma-consider na photographer! haha!)…kala ko writer’s block lang meron (assuming na pwede na’ko matawag na writer! haha ulet!).. Pero nung na-google ko, annsabe?? Photographer’s Block is exactly the same as Writer’s Block. No matter what you see, or how hard you try, you just can’t find any shots to take. Or, everything you shoot just looks bland and uninspiring. Hayst! Kaya etong picture na ‘to ay kuha ko nung Sabado pa hehe! :D

030.Tuesday_February 7, 2012 – Tambay sa Likod ng Bahay
I’m still overcoming this photographer’s block thing haha! arte! naisipan kong tumambay sa likod ng kwarto ko, nagmuni-muni, kase ilang tulog na lang, aalis na’ko dito! hehe emote! at sa aking pagtatambay ay naisipan kong pikchuran na naman ang likod-bahay, kaso wala talagang makuhang matinong shot! boohoo!!! Walang magandang subject at di ko trip ang lighting! hayst! Naumay ako kakapindot ng shutter, kaya after ilang minutes, kwarto ulet.. internet, tapos wala na, tulog na! :D

031.Wednesday_February 8, 2012 – En-Pe-We-Pe (N.P.W.P)
Nag-asikaso kame ng NPWP (read as En-Pe-We-Pe or Nomor Pokok Wajib Pajak) para daw lower yung i-aapply na tax rate para sa aming mga expats dito sa Indonesia. Malayo sa office, pero ayus lang, gala time! haha! joke! After muntik maligaw, nakarating din!! Nawa’y maexperience na namin ang lower income tax sa mga susunod na payday! hahaha! At ang signboard (anu ba tamang term nga?! hehe) sa picture na ‘to ay nakapaskil sa dingding ng Office na pinuntahan namin for NPWP. Natuwa lang ako sa “Pray”.. aww :D

032.Thursday_February 9, 2012 – Lipat-Bahay
Dizizit!!! One month down and 11 more to go! hehe! May taning na talaga noh? Anyway, naglipat na kame ng bahay sa araw na ‘to, sa isang apartment sa may Sudirman Park. I’m kinda excited dahil dito mapa-practice ko na ang culinary skills ko wahaha! Chamba cooking lang, experimental ba! Hehe!

033.Friday_February 10, 2012 – Una
Unang araw pala ngaun sa Apartemen (Apartment in English! hehe) wala naman mashadong kakaibang nangyari pero at the end of this day, naglamon galore with Naknak at Marche—medyo mamahalin ang resto na ‘to pero carrybels, birthday naman nya eh! Hahaha! :D no picture mode for today… :(

034.Saturday_February 11, 2012 – Perstaym?
Yes! First time kong pumasok sa opisina on a weekend! Annyare?? Eh kase naman, weekend lang pwede yung senior, kase busyness sa ibang clients..kaya ako na lang mag-a-adjust, tutal ayoko naman magmukmok sa bahay ng mag-isa, malulungkot lang ako! hahaha! halatang loner eh! Boohoo!! :( So hayun, nagtrabaho ng konti… Tapos after office, nag-grocery na sa Ratu Plaza, para sa mga gagamitin sa lutu-luto hehe! Excited! :D

035.Sunday_February 12, 2012 – Sardines and Chips!
Eto na yun!!! :D So heto, pwede na magluto sa bahay…kaya lang badtrip! Nagloloko yung regulator ng gas tank! Hmp! Kaya napa-sardinas ako ng wala sa oras for lunch…Buti nakaluto ng rice at mixed veggies si Marylove, at pinagsaluhan din namin yun. Sa hapon, bigla akong nagutom, kaya yung natirang sardinas ay pinrito ko with egg! ‘tas dinesignan ko ng chips! Tadah! Perfect snack! ehehe!

036.Monday_February 13, 2012 – Ginisang Sitaw!
This is officially the start of my being a cook slash chef! ehehehe! Wala, sinubukan kong magluto ng ginisang sitaw with beef! As if mahirap naputahe noh! Hahaha! ang owyes! Napapadalas na ang kain ko ng gulay ngaun! baka maging proud ang nanay ko neto sakin! Ehehe! panahon na para maging health-conscious! :D

037-039.Tuesday-Thursday_February 14-16, 2012 – Ngayon lang na-BUSY!
So eto na yung araw ng training! I’m really doing this, I’m facilitating a training for new hires, eps lang talaga! ehehe just wanted to overcome stage fright perhaps…tska kelangan parktisin ang straight English! haha! Busy busyhan ako sa mga araw na ‘to, nakakapagod pala magturo sa training! hahaha!

040.Friday_February 17, 2012 – Adobo at Swimming!!!
Tapos na ang training sa araw na ‘to! Ibig sabihin wala nang free lunch! Kaya nagluto ako sa araw ng ‘to ng chicken adobo! Tadah! Ehehe! Masarap nyahahaah! Yummmmyyyy! :D
Tapos to end a very tiring week, pagka-uwi sa apartment, we decided to spend the Friday night at Sudirman swimming pool! O ha! Eto ang simula ng bagong hobby! Chos! :D

041.Saturday_February 18, 2012 – Beef Teriyaki daw kamo?
ehehe! Eto nag-try akong magluto ng beef teriyaki nga, kaso di ko lam kung nachambahan ko ba! Pero para sakin, ayus naman ang naging lasa ng luto ko (syempre ako nagluto eh! Ehehe!). hayun, inulam ko ‘to bago ako pumasok sa opisina for the second time around on a Saturday! :D oiliness! Nyehehe!

042.Sunday_February 19, 2012 – Ambigram-mode On
I stayed at home for the entire day today, walang ganang gumala…I have my period kase (artemuch! ehehe!) So habang nanunood ako ng Twilight series (New Moon and Eclipse na magkasunod), ginagawa ko na yung Ambigram ng dalawa kong anak sa dati kong office. Successful naman ang pagiging artist (chos!) ko sa araw na ‘to! Nagawa ko sa wakas yung inakala kong mahirap na ambigram! ehehe! hooray!

043-044.Monday-Tuesday_February 20-21, 2012 – Nada
Walang kakaiba. Period.

045.Wednesday_February 22, 2012 – Ash Wednesday
Perstaym kong umattend ng misa dito sa Indonesia, at pambihira, wala ako naintindihan! :( sorry naman, Bahasa Indonesia kase yung service, kaya hayun, nosebleed to the max! :( Dinayo pa naming ang Taman Rasuna Apartemen para umatend ng misa, pero ayus lang… :)

046.Thursday_February 23, 2012 – Malling on a Weekday! :)
Trip lang tlga mag-mall, kaya napa-grocery sa Semanggi on a Thursday night with Merrylovie. :D sa araw ko din na-discover na mas mura ang Revlon products dito kesa sa pinas kaya naiisip kong rumaket ng buy and sell bwahaha! Sana magkatotoo! :D

047.Friday_February 24, 2012 – Feasting instead of Fasting!
Second sweldo it is! Lamon galore ang trip ng grupo…Post-valentine dinner din sana, kaso hindi kumpleto…5 lang kame, pero carrybels pa rin! Parang fiesta nga, puro karne! Tapos sinabayan ng tig-iisang bote ng Bintang! ehehe! Friday pa naman! Hahaha! hayun, Rp200,000 (PhP1,000) each ang damage! hahaha gasgas ang bulsa! :D

048.Saturday_February 25, 2012 – Revlon!
Kaartehan it is! So dahil nadiscover ko nga nung Thursday na mas mura ang Revlon products ditto, di ko mapigilang bumili nung lipstick na long-wear! charot! ehehe! so hayun, napabili ako tuloy! at hindi lang lipstick, bumili na rin ako ng eyeshadow at concealer! Demet hehe! Vanity it is! ehehe cge lang, sana gumanda! Chos! :D

049.Sunday_February 26, 2012 – Nail Polish Madness
Hayan naman eh! After almost two months, nakatikim na ulit ng nail polish ang mga fingernails ko! :D ngaun lang ako nakapag-manicure mula ng pumunta ako dito sa Jakarta. Tinatantya ko pa kase kung ayus lang ba mag-nail polish sa office…mukhang carrybels naman ang ganitong artistry hahaha! artistry tlga! Pero heto, cnubukan ko ng magmanicure! Yeehee! :D

050.Monday_February 27, 2012 – Half Day Sickness
Ummm nagsisimula na naman ata ang Monday Sickness ko, KATAMARAN! Lunes na Lunes, di ko trip pumasok ng office! Pero medyo nakonsensya ako, kaya nag-half day na laman ako…bigla ko rin kaseng naisip na mei kelangan pa pala akong i-clear na consultation memo, baka ma-follow up na’ko ng hyper kong kliyente eh! Hahaha! hayun, so pumasok ako sa hapon at tinapos ko ang pag-a-update ng consultation memo in prep for tomorrow’s tagisan with the reviewer haha! :D

051.Tuesday_February 28, 2012 – Discuss discuss
Busy ako sa pagpa-finalize ng consultation memo…no extra-curricular activities for today! :)

052.Wednesday_February 29, 2012 – Behbeh Selfphone
Finally! I decided to buy a BB phone for myself…Medyo matagal-tagal na ring inactive yung Globe simcard ko na naka-roaming , kelangan ng iactivate ulit…tska I need to keep in touch with my family…baka mashado ng nag-aalala yung ermats ko! ehehee! Hayun! Kaya sinugod ko na yung Amba para makabili ng phone on a Wednesday night, at habang decided pa’ko tlga bumili, baka kase mawala ang urge eh kung sa weekend pa’ko bibili! :D “behbeh selfphone” it is! <3 saka na lang ang pinaka-inaasam kong Samsung Galaxy SII phone! Hmp! :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s