Elevator Bloopers

isa sa mga nakakatuwang pangyayari sa buhay-opisina ay ang mga elevator bloopers na pinipilit kong iwasan pero sadyang inaabot ng kamalasan! hehe! pero sa kabilang banda, at least may mga leksyon nmn akong natutunan =)

June 2006, isang umaga sa may Ortigas – Isang baguhang auditor ako non at pinapunta ako sa kliyente ng mag-isa…Sa sobrang yaman ng may-ari ng kompanya [kliyente ko], dala-dalawang bldg ang inukupahan ng bisnes nyang col center! nung nakausap ko ng ang operations manager, sabi nya dun ako sa kabilang building pumunta kc andun ung accounting department [sabay turo lang sakin ng building sa kabilang kanto na kulay berde ang glass]..Sa pagka-engot ko, kulay ng gusali ang nakatatak sa isip ko, secondary lang ang pangalan ng building na Antel…nung paglabas ko sa pinanggalingan kong building [Orient Square sa Ortigas], nakakita ako agad ng building na kulay green ang glass…Ayus! No sweat! Kaya’t tumawid ako sabay pasok sa building na green at pumaasok sa elevator…Owmaygad! bakit walang “36” sa pindutan! hanggang 26th floor lang, tapos “P” [penthouse] na! Takte! sumagi pa sa isipan ko na baka ung “P” ay 36th floor, adik eh! Dun ko lang narealize na maling building ang pinasukan ko! hehe! so nagroundtrip ako, sabay tanong-tanong sa mamang guard sa lobby hanggang sa natunton ko ang Antel…nakakapagod haha! LEKSYON: isaisip ang pangalan ng building at matutong magtanong sa mga guard! wag sugod ng sugod, minsan mapapahamak tau sa gut-feel lang =)

December 2007, sa HV Dela Costa St. – nakatanggap ako ng paanyaya para sa isang business meeting na gaganapin sa Trafalgar Plaza…Nilakad ko ang kahabaan ng kalye..Takte! sa kasuluk-sulukan pala ang gusaling yun! Kakaibang elevator ang bumungad sakin…malay ko ba na sa labas pala ng elev ang pindutan ng pupuntahang floor…dyahe..so nagdasal na lang ako na sana isa sa mga kasakay ko sa elev ay bababa sa floor na kung san ako dapat bumaba…buti na lang, natugunan ang panalangin ko, huminto ang elev sa dapat kong babaan! yahu!! hehehe! nadismaya lang ako sa meeting na pinuntahan ko, hnde pala ako interesado sa mga business na parang pyramid scam, kaya hnde ko na tinapos, batsi nako sabay balik sa mahal kong opisina para mag-overtime =(.. LEKSYON: pag hndi sigurado sa gagawin, abangan muna ang ibang tao na magdemo para sau…sabay gayahin na lang ang gagawin nila hehe! [may sense ba?!]

August 2009 – isang umaga sa elev sa opisina – Eto ang pinakamatinding blooper sa elev! mapapa-owmaygad talaga ako sa hiya! haha! pasakay kami [with 3 prens] sa elev, ako naunang pumasok tpos may mga sumunod na taga ibang floor, sabay pasok ng mga prens ko, so may mga in-betweens…sa aking pagkamahilig pumisil ng braso ng malusog kong pren, napisil ko ung braso ng babaeng nasa tapat ko [sa pagaakalang sya ung pren ko]..dyahe! nagkamali ako! lumingon sya sakin sabay nahihiyang sabi ko ng “ay sori..kala ko c ****”…kung maputi lang cguro ako, mahahalatang nag-blush ako! haha! dahil sa maitim ako, hnde nahalata…pero sobrang kahihyan ang inabot ko na gusto ko ng maglaho sa elev! buti na lang, bumaba ung babae sa 5th floor…pinigilan ko ang malakas na tawa! anu na lang kaya ang isipin ng babaeng napisil ko! owmaygad! hndi nako makatingin sa ibang pips sa elev! jahe! LEKSYON: maniwala sa bad karma…

un lang! serious-mode ulit ako…back to work!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s