tanong ko din yan sa sarili ko…ang sagot? iba-iba..
pagdating ko ng opisina magaala-una ng hapon, nadatnan ko mga iilang opismeyt na nakaharap sa kanya-kanyang lappy-topyy…serious-mode ang drama, pero ako? wala lang, feel ko lang pumasok. eto tlaga ang mga dahilan kung bakit ako pumasok:
[1] Gusto ko talaga mag-facebook (FB) >> Anu bang meron ang FB at adik-adik ang mga tao dito? Ngaun nakadiskubri ako ng proxy site na pwedeng maka-access sa FB, eh pinatulan ko na! libreng internet! haha!
[2] Mainit sa bahay pag hapon >> Mas gusto ko na pumasok sa opisina kc may aircon, or kung wala naman, hndi ganun kainit tulad sa bahay! Tapos mas okey kapag may kakulitan sa opis kesa sa tamaan lang ako ng katamaran sa kwarto!
[3] Madaming tatapusin na trabaho >> Feeling ko, at sabi ng iba, masipag talaga ako.. Tingin ko rin eh (hahahah!).. Pero lately, napapansin kong sobrang katamaran talaga ang nararamdaman ko… Marami akong bagay na dapat tapusin, pero dahil sa tinatamad ako, nagsisimula na silang tumambak at kelangan ko ng mag-catchup pag weekend!
[4] Umiiwas ako sa hassle pag Monday >> Dahil sa inuuwi ko ang lappy-toppy ko pag Friday night, gusto ko naiiwan na to sa office ng Sunday night para pag Lunes, hindi sagabal sa bus papuntang opis. Hassle tlaga ang aabutin ko pag may dala-dala pa kong lappy-toppy tapos nakatayo lang ako sa bus!
**Yan ang mga dahilan ko kung bakit ako andito sa opisina ngaung linggo. pwedeng sabihin kanya-kanyang trip to… ang iba (base sa obserbasyon ko ngaun), ay may mga hinahabol na deadline kaya panay ang pagtatrabaho.. guilty nga ako ng konti kc walang kwenta ang araw ko ngaun, parang nagsasayang lang ng kuryente dito sa opisina! hahah! paki ko!