Not Responding

[Not Responding]

Hindi ba nakakaasar makita ang mga ganung salita sa kalagitnaan ng facebooking session mo? [applicable to lalo na kapag illegal ang pag-FB mo gamit ang mga proxy sites]… Eksayted ka ng makita ang mga comments sa post mo, sabay biglang nagblanko ang screen! takte! uulitin mo ang lahat mula simula!!!

Nangyayari din to sa Lotus Notes (LN) sa opisina.. Minsan, wala man lang warning mula sa mga taga-IT, bigla na lang magloloko yung LN mo… Kelangan mo’ng mag Ctrl+Alt+Del, Endtask! At pag bubuksan mo ulet ung LN, patay! An error has occurred chorvaloo na ang pinaprompt! Restart ang kelangan! Nakakaasar dun kase kelangan mo’ng isara lahat ng mga nakabukas na files at internet sites, at umulit mula simula pagka-restart.. Badtrip di ba?

Parang lablayp lang din yan… Ow yes, lablayp ko!!.. Pinipilit ko mang kalimutan ang mga nangyari, hindi ko mapigilan ang bumalik sa nakaraan at sa sakit na naramdaman! Akalain mo yun, lumalablayf din pala ako! cheh!

Ang taas ng confidence level ko nun nung biglang hindi sya nag-react sa labnowt. Para akong sinaksak at nawala ang bilbil bilib ko sa sarili! Kala ko pa naman kelangan ko lang umamin para maging totoo na ang kung anu mang malabong relasyon na meron kame… Akala ko kelangan ko lang umamin para magkaroon sya ng lakas ng loob na umamin na rin na may gusto sya sakin, dakilang feeler ako noh! haha! tagam!!

Pero isang “NOT RESPONDING” error message ang nag-flash sa aking harapan, ALL CAPS at naka-BOLD!!

Sa dahilang hindi ko nalaman [at hindi ko pa rin alam hanggang ngayon], bigla akong napa-SHUT DOWN. Hindi ko na pinilit na alamin pa sa kanya kung nabasa nya ba ang sulat. Hindi ko na tinanong kung bakit wala akong nakuhang reaksyon…DUWAG ako, OO! At alam ko at nararamdaman ko (kc feeler nga ako di ba?), na duwag syang aminin sa sarili nya na may nararamdaman din sya sakin! Kahit konti naman siguro…Yaan nyo na’ko mag-assume ng konte! Ang labo!

Isa lang ang paulit-ulit na pinapa-realize sakin ngaun, asar at sakit talaga ang dulot ng Not Responding na yan! Mapapamura ka talaga!

2 thoughts on “Not Responding

  1. nawala yung una kong comment

    ang sabi ko
    kung pwede lang nga
    magshift delete
    sa mga nakakairitang tao sa buhay
    edi ginawa ko na

    pero mabuti na lang wala
    kasi baka mamaya
    meron palang gusto gumawa sa akin nun
    :(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s