Kabisi-BUSY-han ng Lola

…tapos na nga ang slack season…

Pa’no ko nasabi? Eto ang ilan sa mga signs ng ka-busy-han:

[1] Hindi na lumalagpas sa limang oras ang pagtulog ko…Natutuwa na’ko kapag nagkaro’n ako ng chance na matulog ng hanggang limang oras…Yun nga lang, maghahabol pa rin ako sa pagtatapos ng mga gawain ko for the day…swerte ko na kung maisingit ko ang pagba-blog!

[2] Wala na’kong panahon mag-pictorial sa kwarto para madagdagan ang mga hindi kapani-paniwalang larawan ko sa FB…nabubulok na yung camera ko sa kwarto, nadedrain ng mag-isa ang battery kahit hindi ginagamit…

[3] Mas gusto ko na’ng umidlip sa bus kesa sa magmuni-muni at mag-soundtrip…Dati, sinisiguro kong fully-charged ang batt ng celfon ko para matugtog ko yung playlist..Ngayon? Hinahayaan ko ng lowbatt ang fon para may rason ‘pag hindi ako ma-kontak ng mga bossing o ng makukulit kong mga kliyente! hehehe jowk lang!

[4] Napapamahal na ang transportation expense ko kase kelangan ko ng mag-taxi pauwi ng bahay sa halip na mag-bus…At nakaka-bonding ko na naman si Papa Jack ng love radio kase paborito sya ng mga taxi drivers sa harap ng opisina namin!

[5] Hindi ko na pinag-iisipan ng malalim kung saan ako pupunta kapag weekend…Dahil busy, dalawa lang ang pwede kong puntahan, opisina ng kliyente o opisina namin…Isa na lang ang iniintindi ko: kung sa’n mas komportable tumambay!

[6] Hindi ko na alam kung anu ang latest sa news, soap opera, o reality TV shows…Nag-aantay na lang ako sa mga posts sa FB or sa mga blogs sa net…At kung wala na’kong panahon mag-net, tatanggapin ko na lang na hindi tlaga ako updated…

[7] Nakaka-tatlong baso ako ng kape araw-araw para lang mawala ang antok ko…at hindi lang regular coffee ang tinitira ko kundi intense…Kaya sobra din ang tensyon na nararamdaman ko…pasensya na lang…

[8] Hindi ko na nakikita ang mga housemates ko sa bahay dahil tulog na sila pag umuuwi ako, at tulog pa rin sila pag umaalis ako ng bahay…Sa mga gan’tong panahon, mas nagugulat sila ‘pag nadadatnan nila ako sa bahay…

[9] 24/7 ko ng kaharap ang laptop ko…kaya lalong lumalabo ang paningin ko…

[10] Pumapangit at nananaba ako :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s