Moving On 101: Am I Serious?

YES I AM!

BABALA: Magiging KJ ako sa mga susunod na araw..

Panahon na para seryosohin ang pagmu-move on ko..Madaming beses ko ng binalak , pero hanggang balak lang lahat! Ngayon iba na, hindi nako makikipaglokohan pa sa sarili ko!

Dahil sa serious nako, kunwari nag-research ako ng mga effective na paraan ng pagmu-move on.. Iba-iba ang sabi nila: may 10 steps, may 30 ways, at kung anu-ano pa.. Naisip ko tuloy na gumawa ng sariling listahan ng mga gagawin para sa sarili ko at sa kung sino mang mauuto nito. :) Syempre, i give credits sa mga nabasa kong article para sa pag-inspire sakin na magseryoso.

[1] Burahin ang number sa celfon
Para hindi ma-tempt na mag-text o tumawag, burahin na sa celfon ang numero ng taong gustong kalimutan.. Siguraduhin lang na hindi memorized yung number, kase useless lang ang pagbubura ng number kung saulo naman! Ako, sa totoo lang, hindi ko memorized number nya hehe! At sa totoo lang, hindi mag-eeffort yun sa pag-text pag alam nyang umiiwas ako.. Pero bakit ba, para sa sarili ko naman tong mga gnagawa kong steps on moving on! :)

[2] Iwasan ang mga usaping tungkol sa taong gustong kalimutan
Mukhang machachallenge ata ako dito lalo ‘pag araw-araw ay kasama mo ang mga common friends na hindi mapigilan ang pang-aasar.. Kung ganun man, dapat alam ng mga kaibigan ko na hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa taong yun.. Pwede din galit-galit muna hanggang sa matapos na office hours at wala ng choice kundi umuwi :)

[3] Pagsabihan ang mga kaibigan na kelangan kong makalimot
Sa kalagayan ko, hindi alam ng mga kaibigan ko na nasa stage pala ako ng pagmu-move on, kaya mejo challenging nga talga sakin yung #2. Pero sa tingin ko pag alam nila na ganun nga, susuportahan ka nila kahit mejo hindi talaga maiiwasan ang sadyain ka nilang asarin!

[4] Maghanap ng pagkakaabalahan
Sa halip na mag-iimagine ako ng mga bagay na dapat ng kinakalimutan, sisiguraduhin kong may iba akong iniisip.. Magpaka-workaholic! haha! Kaya siguro ako nagpapaka-alipin sa trabaho, may iniiwasan lang na slack moment haha :) Pwede rin i-indulge ang sarili sa iba’t ibang activities gaya ng jogging o photography… Yan ang mga kinahihiligan ko ngaun! Nagpapa-sexy ako nyahaha! Pag nagja-jogging kase, natatanggal lahat ng negative na vibes sa katawan, sarap pagpawisan! Healthy activity pa! :) Sa photography naman, nahahasa ang pagiging creative ng utak.. Pero hindi ko inaasahan agad agad mawawala sa isipan ko ang taong yun! o kita mo ngaun pa nga lang, tungkol sa kanya pa rin ang pinagsusulat ko dito! :(

[5] ‘Wag mashadong mag-Facebook
Wag ng alamin ang mga pinagkakaabalahan nya sa sarili nyang buhay, lalo lang akong madedepress kapag narealize kong hindi sya affected sa naangyayari sa’min.. Ako lang ang nagpapaka-affected! Kung kaya ko lang talgang burahin sa friends’ list ko, ay matagal ko na sigurong ginawa.. Pero ewan ko ba, hindi ko kaya :(

[6] Huwag na munang makipagkita
Mahirap din to..lalo na kapag parang mga sabik sa get-together ang mga kaibigan kong walang alam sa nararamdaman ko. Balik step #3 ata ako nito ah! Pero as much as possible, hindi na lang siguro ako sasama sa mga get-together pag andun sya, sana lang maintindihan nila ang pagiging KJ ko..

[7] Wag mashadong makinig sa mga senti na kanta
Siguro nga likas na satin ang makinig sa mga nakakalungkot na kanta para ma-amplify ang pagdadrama! Ok lang yan sa una, pero wag ng araw-arawin ang pakikinig sa mga kantang senti. Pag ganun kase feeling ko nakakarelate ako sa mga kanta, nadadagdagan tuloy ang bigat ng drama! Wag na nga! Aayusin ko muna playlist ko! :)

[8] Parusahan ang sarili sa tuwing naiisip sya
Haha! masokista ever! Hmm at anung punishment naman kaya ang naiisip ko? Sampalin ang sarili sa tuwing sumagi sya sa isipan? haha! parang tanga lang! iisipin ko muna kung panu ko ma-aachieve to!

[9] Plan for the future and get over the past
Mahirap!!! Eto na nga eh, sisimulan na nga.. Hindi ko na sya isasama sa iniimagine kong future.. Wala talaga eh, hanggang past lang sya, hindi nga makatawid-tawid ng “present” eh! Magiging malaking parte sya ng nakaraan na hindi basta bastang makakalimutan.. Iisipin ko na lang ang mga naituro ng karanasan ko sa pagpapakatanga sa kanya! hehe peace! I’m sounding so bitter! :) He’ll always be a part me naman. Go go go!

[10] Consider meeting new friends
Malay natin di ba..Maya maya lang pag-uwi ko may makikilala ako sa bus! hehe! Pero hindi ata uubra sa masungit look ko! :D Hmm panu ba? Basta, isang araw, matatagpuan ko din yung taong nakalaan sakin! charrr! :D Tama na nga para na’kong sira..

Tinatamad lang talaga ako magtrabaho kaya kung anu-anu na ang naiisip kong isulat! :D I-update ko na lang tong post pag may prelim assessment nako sa mga to. Susubukan ko ng gawin, now na! :D

Advertisements

2 thoughts on “Moving On 101: Am I Serious?

    • hello..ba’t ka nasha-shock? dapat sanay ka na! hehe! naaaliw kc ako sa blog mo, kaya cnama ko sa blogroll :)

      salamat sa pagdaan sa blog ko =)
      hindi ko lam panu paganahin to! nyahaha! trip ko lang magsulat :)

      dalaw ka ulit ha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s