Kikay kit, check! Black pouch, check! Payong, check! Susi sa bahay, check! Earphones, check! Ready nang umuwi, sakto, alas nwebe na, bukas na ang tawiran sa may tapat ng opisina! Gora na! Teka wait, mananalamin muna… ayus! Maganda na! ahahaha! Pauwi na, nag-makeup pa! dalaga eh, baka may makatabing papa, sayang di ba? :)
Sakay sa elev sabay saksak ng earphones sa tenga, soundtrip na! paulit-ulit na playlist, lahat ng kanta kabisado ko na.. Sino pa ba’ng hinihintay ba’t di pa tayo sumakay? Eksayted na’kong umalis, sige na plis konting bilis!, sinabayan pa ang kanta!
Everybody look to the left, everybody look to the right…yun! tawid na! akyat sa bus (paborito ko pala yung Pamana bus, pwede din ung may purple na flowers, or yung orange or yellow na bus!), pili ng magandang pwesto… sana patay ang TV o sana walang maingay na radio, para simple ang byahe, walang storbo sa soundtrip ko… at isa pa palang malaking SANA: Sana walang holdaper o suicide bomber, panira sa moment kung saka-sakali! :)
Tingin sa labas ng bintana, simula na! wala naman, maliban sa aking blankong isipan… hindi ikaw ang iniisip ko, o sya, o cla, o kayo, o tayo! Mga feeling kayo! hohoho! Nire-relax ko lang utak ko, kaya ayoko’ng mag-isip ng kung anu-ano! Teka wait, wag kang magulo, wag kang pumasok sa isipan ko, ayoko na sa’yo! Tingin sa malayo, sana simple na lang ang buhay ng tao… lalim ng naisip ko no!? teka, nagmumukha ba ako’ng malungkot? Hindi, ganito lang talaga itsura ko….hehehe inborn!
‘kala nyo siguro nag-e-emo ako pag nakatingin ako sa labas ng bintana ano? Trip ko lang talaga mag-sightseeing, dati pa! sabi nga nila, wala akong kwentang katabi sa bus pag uwian na, kase panay daw ang aking pagmuni-muni…hahaha! depensa ko naman, yun lang yung oras ko para sa sarili ko, kaya ayoko masyadong mag-interact sa ibang tao sa mga pagkakataong gan’to!… ta’s bigla akong napaisip, pa’no kapag ikaw yung nakatabi ko sa bus?? oo ikaw! Titingin pa kaya ako sa malayo? Nakanang! Erase erase erase! Hindi pala tungkol sa’yo ‘to… off topic! blankong isipan, wag mo’kong traydurin! balik tayo sa walang iniisip…
Ba’t ganun? Pag gabi, gustong-gusto ko’ng mag-bus pauwi! Pero pag umaga, parang gusto ko’ng isumpa! Wala naman, natanong ko lang… patingin-tingin sa mga street lights, sa mga matataas na gusali, sa mga taong naglalakad–mga taong pauwi din at mga taong papasok pa lang, kumakayod sa gabi, habang patuloy-tuloy ang musika sa aking tenga… as endless as forever, our love will stay together…you are all I need to be with…
“O mga bababa ng Dian jan, lapit na, lapit na!” sabay may pumutol sa aking pagsabay sa kanta ng Side A. panira ka Kuya! amp! May lakad ka, ba’t parang nagmamadali ka??? Nabitin no? hehehe
“Dian lang po!” sigaw ko naman sabay tinanggal ang earphones mula sa pagkakasabit neto sa tenga…
Pumara ang bus…bumaba ako…umandar sabay humarurot ng takbo ang bus…napaisip ako…
Teka wait, ba’t may twelve pesos pako sa kamay ko? :)