Yes, I’m turning 27 twenty-seven days from now! Wahhh!!! Fine, there’s no sense denying my age now! [hindi naman halatang mag-27 nako, di ba?! hehe!] :D So I thought of doing my version of the ***-before-*** project..I got this idea from one of the blogs that I happened to hop into during one of my blog-hopping sessions months ago.. :)
Simpleng trip ulet: I’m listing down 27 things that I need to accomplish before my 27th birthday! :) Sana matupad lahat! :D
27 – Learn how to play Train’s “Marry Me” on guitar!:)
i love the song, i love the rhythm, but my guitar-picking skill is failing me! tsk tsk tsk! pero magpapraktis ako!
[Major Fail! Tinamad akong tumugtog sa mga panahong to :(]
26 – Pay my bills on time! hahaha!
One of the reasons why until now hindi ako kumuha ng credit card is that I feel so lazy to go and pay my bills! :D Currently, I’m paying for two insurance plans, rent sa apartment + utilities at ang pinakamabigat na downpayment for the house & lot (ambisyosa kase! haha!). Pipilitin ko’ng magbayad on time, kaya yung mga may utang sa’kin, magbayad na rin kau please! hehehe :D
[Done! Nakapag-deposit ako sa BDO account ko for my insurance payment, just before my deadliest deadline hehe! Paid my rent and utilities on time. :) I’m still on schedule with regard to my payment for the H&L haha! un lang, wala nako’ng pera sa susunod na bayaran!!! :(]
25 – Stay sober within the next 27 days!
Wahaha! Yes! Paninindigan ko ang hindi pag-inom within the next 27 days, kaya wag nyo akong i-tempt! :D sasama naman ako pag may mag-aaya, pero pass lang ako sa inuman… Teka..”sober” naman pala term ko, so pwedeng uminom as long as I won’t get “drunk”? haha kelan ba’ko nalasing sa inuman?? @.@
[22Oct2011 – Okay… So I said “stay SOBER”, not “stay ALCOHOL-FREE” haha! Yun lang! Went to Antique for an out-of-town fieldwork and since we are staying in an island, wala mashadong pagkakaabalahan dito on a weekend..Plus my teammates here were all craving for alcohol, having stayed in the island for 3 weeks already! hehe! So yun nga, uminom kame nung Sabado.. I had 2.5 cans of RHB and half can of SanMig PP… But I didn’t get drunk haha! So ayus pa din ako sa list ko di ba? hehe Update ko na lang, mahaba-haba pa ang pagtitiis! hehe!]
[UPDATE: 27Oct2011 – Wahhh!!! ’twas one of my teammates’ sendoff “party” and the original plan was to have dinner and some beer…pero nabitin ata ang lahat that we decided to continue the drinking session at my apartment!!! deng! Got so drunk with the many bottom’s-up that we had!!! Yun na ata ang pinakalasing ko na experience so far, got so wasted—ang matindi pa dun, documented: napikchuran! :( hayst! That’s what I got from holding back my drinking urges! haha!]
24 – Get a job offer! :)
Yes, I’ll be leaving—when the right opportunity comes…I’ve been vocal about it since busy season, kaya ‘wag nyo ng kontrahin please! Pero kung wala talaga, tiis tiis na naman ba ulet? wahhhh!!!!! sana sinikreto ko na lang pala! +.+
[21Oct2011 – Woah! I just got a job offer from one of our global affiliates. Mashadong biglaan, I’m overwhelmed! Parang kaka-“interview” lang, ta’s nag-offer na agad! :D Ganun ba katindi ang need nila ng isang manager?? Hehehe! I’m suddenly scared… Nagdadal’wang isip… I’m waiting for another opportunity far from the Pinas, pero antagal! :( wahhh!! confusing!!] @.@
23 – Bring my weight down to 108 lbs!
Ba’t na-maintain ko ng 108lbs nung busy season??? Ngaun, parang ang hirap naman ibaba mula 112 lbs!!! :( Pero kakayanin ko within the next 27 days! goodluck sa’kin! :D
[Major Fail!!! ang hirap tuparin to, lamon mode ever! tas hindi ko pa natupad ang “stay sober” sa to-do list na to! hehe! next time na lang…bring down my weight to 108 pounds before the Christmas na lang hehe! para may reserba sa lamon-mode sa Pasko! hehe :D]
22 – Get rid of these pimples
Ako ba ‘to? Vain na’ko? hahaha! Inlababo ba ako?? Nagdadalaga? Laging puyat?? Grrrr! Dumadami ang pimples eh, badtrip! So within 27 days, dapat lahat ng ‘to ay mag-disappear!
[The pimples are gone!! but the scars are still a little visible…kaya ko to!!!]
21 – One-post-per-day Rule
Ayoko mashado ma-adik sa facebook, so I’m setting a rule for myself: Isang post per day lang, maximum na yan! hehe!
[03Nov2011 – Hindi ko kaya mag-post ng isang beses lang sa isang araw…Daming thoughts eh, kelangan ilabas! hehe!]
20 – Wear a skirt in the office during a weekday
Oh ha! Hindi ko sasabihin kung kelan…pero one of these days! :) Hassle kase mag-skirt para sa isang commuter na tulad ko..ewan, pero nahahassle-lan ako! hehe! especially kapag kelangan mong makipag-siksikan sa bus tuwing umaga pag papasok sa opisina! hayst!
[Major fail din ‘to! Dahil sa tumataba ako, di ko na trip mag-skirt kase halata ang taba sa tyan! hahaha! Siguro pag nasa labas nako ng bansa, mag-skirt nako sa office! ayayay! :D]
19 – Clean the BEDroom!!!
Yes, the room’s messy hehehe kaya nga nakagat ako ng insekto nung isang buwan eh kase super kalat sa kwarto! pero wala pa din effect, hindi pa din naglinis ng kwarto! hehe now, I need my roommate’s cooperation on this one..di ba Jen??? :D
[01Nov2011 – Yey!!! Medyo sinipag ako nung araw ng mga patay! I started off the day by fixing my closet, tapos napagtripan kong linisin ang kwarto! kaya hayun, medyo malinis na xa! :)]
18 – Buy a new wristwatch ehehe!
Di naman ako ganun kahilig sa relo, obvious ba? Kaya nga Company watch ung gamit ko ngaun eh! haha! pero parang gusto ko bilhan ang sarili ko ng relo, sana may sale na ulit sa may Pasong Tamo Extension! :D
[Ang simple ng gawaing ‘to pero di ko nagawa! :( pero pinaayos ko na ang luma kong Dunlop sports watch na kulay gray after isang taong naka-tengga lang! hehe yey! :)]
17 – Print/Paint on a shirt
I have the designs already, pero I really have a hard time working on paintbrushes! wala akong ganung talent!!! :( pero gusto kong masubukan ulit…Or i’m thinking of using a transfer paper, kaya lang wala akong heat press!! kakayanin kaya ng ordinaryong plantsa??? hehe lemme try! :D
[Kulang sa oras, busy sa trabaho, busy sa ibang ekstra kurikular activities.. kaya pending na pending to!]
16 – Buy myself an external drive
..kahit mga 500gb lang… Madali lang pero magastos hehe! pero I badly need one na! halos 1 gig na lang yung space sa Company laptop ko, need to transfer some personal files :)
[hay! bibili na tlga ako this December.. kelangan ko ng mag-save ng files before my resignation! hahaha! :)]
15 – Get done with reviewing the first two phases of GAM!!!
I better hurry reviewing my accounts before my new client’s demand will start on pressuring me! :D
[Wahhhh!!! hihingi ako ng extension sa sarili ko…tatapusin ko ang pagrereview bago ako magresign! pramis!!!]
14 – Dine in a classy resto :D
Dun sana sa hindi ko pa nakakainan! hehehe! Sana may manlilibreng kliyente! Haha asa!
[Went to dine at Krazy Garlik at Greenbelt 5…di naman mashado classy, pero mahal! hehe! nanlibre kase ako ng dalawang alaga ko sa office :)]
13 – Out-of-Manila trip?
One that’s not work-related sana… :)
[31Oct2011 – Anawangin it is!!! hehehe! Finally, nakatuntong na rin ako sa Anawangin!! I went there with two highschool ka-tropa, nagkayayaan lang. Kahit tatatlo lang kame, keri pa rin! hehe!]
12 – Set a personalized header and background for my blog’s new theme
Yes, I recently changed my blog’s theme, nagsawa din sa Greyzed sa wakas! :D kaya lang walang time para pabonggahin ang itsura neto, pero sana medyo maayos ko bago ang birthday ko! :D
[Nung pagpost ng entry na ‘to, sinabayan ko na rin ng pagpersonalize ng header at background! Pero di pako kuntento, aayusin ko pa ‘to…pag may extra time hehehe! ;)]
11 – Go to a moviehouse and watch a romantic film, alone :)
hahaha! Cge, wag na lang romantic film, loser eh! Pinaparusahan ang sarili! :D kung saka-sakali, 3rd time ko ‘to to watch a movie in the big screen, alone. The first one was Superman Returns and the second was I-forgot-the-title-suspense-thriller film; both at SM Bicutan Cinema hehe! :D
[Epic fail! ;)]
10 – Make some chili cheese sticks!
Gusto ko subukan gawin to! Hehe what if lalagyan ko ng raisins??? hahaha! try!!!!!!
[Epic fail! ;)]
9 – Singkamas with Mayo-Ketchup dip!
Wahhh! It’s been years since kumain ako ng singkamas na sinawsaw sa pinaghalong ketchup at mayonnaise!!! Masubukan nga ulit! :D
[Epic fail! ;)]
8 – Participate in a fun run
Okay, this one’s really a must-do! [kasama ‘to sa 2011 to-do-list ko :)] makapag-register nga sa activity ng SGV…November 6 it is! :D
[06Nov2011 – Nag-fun run kahit malakas ang ulan!!! yiheee!!! perstaym ko sumali sa fun run, tas umuulan pa! pero masaya naman! :D]
7 – Donate some clothes
It’s time to clean up my closet! as if marami tlgang damit no? hehe! Medyo nakatambak na din yung mga damit ko dati nung ako’y super healthy pa…di ko na trip suotin kase maluwag na! wahaha! Sana dumaan ulit yung mga nanghihingi ng damit.
[01Nov2011 – Since I cleaned up my closet, I already segregated those clothes that I plan tp donate! Oh ha! :D Aantayin ko na lang na may kumatok sa pintuan para humingi ng mga used clothes..]
6 – Eat Satti at Greenhills [again]
I tried Greenhill’s version of Satti last year, pero hindi kasing-sarap ng satti sa Zamboanga…hehehe medyo hindi ganun kalapot yung sauce, though parehas ng kulay, orange! Tapos instead na beef bbq na maliliit yung kasama ng satti, eh yung normal na chicken bbq…pero cge lang, gusto ko ma-try ulit :D
[16Oct2011 – I got the chance to pass by Greenhills today, on my way home from David Salon, Wilson Branch! :) Wala naman akong balak mag-shopping sa mall, trip ko lang tlaga kumain ng Satti! Buti na lang available sa Sitti’s Halal Foods @ V-Mall! Natanong ko pa si Aling Sitti kung taga-sa’n xa, sabi nya Zamboanga daw! hehe! Nahiya na’ko makiusyoso ng husto, next time na lang! hehe! pero I had a stolen shot of the stall, upload ko next time! hehe! :D]
5 – Stay at home for the entire day! Hahaha!
Madali lang kung iisipin, pero parang effort to para sa isang lakwacherang tulad ko! Hehe! Except lang siguro pag super bagyo talaga na kelangan nasa bahay lang! :D
[01Nov2011 – Eto na nga, dahil medyo sinipag ako sa araw na ‘to, naisipan kong itodo na ang gawaing-bahay. From fixing my closet to cleaning the bedroom, until doing my laundry and scrubbing the bathroom tiles and toilet bowl! Winner! Napagod ako kaya sa bahay na lang ako the entire day! :D]
4 – Add a new stuff in my Pig Collections
Kase naman dapat nadagdagan na ‘to! Yung nag-promise jan na bibigyan ako ng stuffed toy na baboy na nagba-blush, nagpaasa na naman! :( cge ayos lang, bibilhan ko na lang sarili ko! :)
[09Nov2011 – I got a pig stuffed toy from my officemates!!! :) yey! umm medyo mukhang cow pero pink naman! hehe cuteness! tas may pahabol pa na grabber toy na baboy from my Semirara kids, cute! sweet! haha! :D]
3 – Get a new hairstyle?
Pwede kaya para sa rebonded hair? hehehe tingnan natin kung anung magagawa ng senior hairstylist na pupuntahan ko this weekend! Baka pagalitan lang ako dahil hindi kumapal ang buhok ko after 15 days! :D
[07Nov2011 – Dala na rin ng pagiging badtrip ko sa araw na ‘to, naisipan kong tumambay sa parlor sa may Dian Street. Original plan was to cut my hair short, pero nauwi sa pagpapa-hair treatment plus super iksing gupit! ehehe! sabi ko’ng u-shaped ung cut, pero super straight ang kinalabasan! nagmukha tuloy akong gradeschool kid! haha bata! :D]
2 – Go to UP Diliman Campus
Yep, I’ve never been to UP… dati ko pa trip pumunta dun, actually nung new staff pa’ko hehe..wala lang, curious lang ako kung anu itsura ng campus nila hehehe! Walang basagan ng trip! :D
[22Oct2011 – 3rd Event ng JDC Cluster Palakasan 2011 sa UP Sunken Garden! Sayang, wala sa timing! Isa pa naman ako sa mga organizers ng Palakasan na ‘to! haha! I was doing fieldwork in Semirara nung panahong ‘to kaya, Major Fail!]
1 – Ride a jeep and get off to an unfamiliar place
In short, get lost! hehehe! anu bang mapapala ko sa trip kong ‘to??? Hehe wahhh wala na’kong maisip na pwedeng gawin para makumpleto ‘tong 27-before-27 project na ‘to! hehe!
[Weirdo ko! haha! wala, hindi ko ‘to nagawa! haha!]
So yan, dami kong dapat gawin pero di ko ‘lam kung para sa’n! hehehe! trip nga eh, kulet! :D