Five.Three.Ten

Panu kaya kung na-late ako ng gising nung May 3, 2010?

Malamang na-late ako sa plano kong mamili sa Baclaran.
Malamang iniksian ko na lang yung dasal ko habang nagsindi ako ng kandila.
Malamang hindi ko na naisambit ang gasgas kong linya na “You know my heart’s desire, Your will be done”— at habang sambit ko yung linyang un, lam Nyo po na isang tao lang yung nasa puso ko.

At malamang sa malamang, kung na-late ako ng gising nung May 3, 2010,
malamang hindi nagkasalubong ang landas namin sa may Glorietta nung umagang yun!

***

Nagulat ako, hindi ko in-expect. Nakita ko na lang na nasa harapan ko na sya. Gulat din sya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako na sa wakas ay nagkita kame (after more than 4 months).
Hindi ko alam kung natutuwa din sya sa pagkikita naming yon. Hindi ko alam.
Ang alam ko lang, na-miss ko sya, sobra.

Oi!
“O, sa’n ka galing? Ba’t andito ka at ang aga ah?”, tanong ko.
“Wala lang, may inattendan lang akong seminar, dyan sa may Ayala. Bagong raket”, sagot nya.
“Ah talaga! Libre mo naman ako, dali!”, biro ko.
“Cge, tara Jollibee!” hindi naman tumanggi ang loko. Bihirang reaction ang ganun kaya pinatos ko na. :)

Sundae lang inorder ko, gumaya naman sya. Nakapag-breakfast na kc ako sa may Baclaran, sayang!
Kwentuhan, daldalan, chismisan, biruan, lokohan. Kinamusta ko sya, sumagot naman sya.
Kinamusta nya ako, sa imagination ko. Asa. Gaya ng dati, hindi ko narinig ang “musta ka na?”
Pero okey lang, walang kaso, expected ko na yun. Wala eh, ganun talaga sya.
Mas magugulat siguro ako pag natanong nya yun, hindi normal yun. :)

Matapos kumain, nag-aya syang samahan syang bumili ng skipping rope at hula-hoop para sa kapatid nya.  Dahil sa gusto ko syang makasama, sumama naman ako. Madali akong kausap eh.
Naglakad-lakad kame, just like the old times, nilibot namin yung Glorietta at Greenbelt palabas.
Sabay daan sa may walkway pabalik ng Landmark, kung sa’n talaga ako dapat papunta bago ko sya nakasalubong.
Nagpaiwan na’ko sa Landmark, sya naman ay papunta ng Ayala station. Ba-bye na. At may fying kiss galing sa kanya!
Baliw. Kala ko imagination ko lang, pero totoo yun (ata). Pero sigurado ako wala lang yun, gusto ko lang bigyan ng meaning.

Walang basagan ng trip! ;D

***

Anu’ng ibig sabihin ng pagkakasalubong namin ng araw na yon?
Sagot na kaya yun sa dinadasal ko sa Inyo nung umagang yon?
Bakit hindi kame nagkailangan? Bakit hindi ko naisipang tumakbo at lumayo na lang?
At sya, bakit hindi nya ako nilayuan? Bakit hindi sya nag-walkout tulad nung ginawa nya nung December 24, 2009?
Na-miss nya rin kaya ako at ang samahan namin? Hindi ko alam.

Bakit parang nakalimutan ko na dinurog nya ang puso ko nung bisperas ng Pasko?
Bakit biglang nakalimutan ko na sinabi nya nung araw na yun na “kalimutan mo na lang ako”?
Bakit biglang nakalimutan ko na buong araw kong iniyakan yun at apat na buwan akong bitter?

At ngayon, okei na naman kame, binalik ko na sa phonebook yung number nya.
Nagpapansinan na kame sa email at sa FB, nagkikita na kame sa batch get-together.
Nagkukulitan, nag-aasaran, at last week lumabas kame para mag-dinner, treat nya! :)
Pinilit ko kase, pero I’m not after the libre…I’m after the company. aww :)
Para na naman ako’ng baliw!
Pero ayoko mashadong kiligin…Nangyari na to dati…Feeling ko pagsasadula lang to.
Parang alam ko na ang ending, mga bandang end of June, magkakalabuan.
Tapos mga bandang September, okei na naman…Tapos pagdating ng November, hndi na naman…
At pagdating ng December, iiyak na naman ako ng sobra-sobra..Wag naman po sana.

Hindi ko alam kung nang-ti-trip lang po Kayo, pero pramis naguguluhan po ako.
Parang ayoko ng gan’tong trip, nakakapagod, lalo na kapag puso ko na ang apektado.
Feeling ko, mashado na tong durog, at mahihirapan na’kong buuin ito at ialay ulit.
I know I’m responsible for what I feel, but please influence me and guide me into what I’m supposed to feel. Mashado po akong naguguluhan.
Pero sigi po, “You know my heart’s desire, Your will be done… and I trust You”…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s