Moving On 101: Revisited

Kakamustahin ko lang sarili ko after almost 2 months of torturing myself into this moving on thing! Time to revisit Moving On 101: Am I Serious? which I posted more than a month ago. Anu na nga ba’ng nangyari? Heto!

[1] Burahin ang number sa celfon
–>> Wala na, burado na talaga..hehehe

[2] Iwasan ang mga usaping tungkol sa taong gustong kalimutan
–>> medyo ganun pa din sila, nang-aasar pa din…pero at least mas aware na sila na ayoko na talagang pag-usapan. =)

[3] Pagsabihan ang mga kaibigan na kelangan kong makalimot
–>> Tingin ko, hindi ko na kelangan sabihin…nararamdaman naman na siguro nila na hindi kame okei, so conscious na rin sila na hindi na banggitin ang pangalan nya…

[4] Maghanap ng pagkakaabalahan
–>> Bigla akong naging busy nung kaduluhan ng July! Shete! Nakakapagod yung panahon na yun, pero at least my mind’s occupied with work-related issues…Tapos, nag-papaka-healthy na rin ako, diet kunwari! hehe

[5] ‘Wag mashadong mag-Facebook
–>> So hindi na nga ako mashadong nag-facebook last month, BUSY eh! pero ngaun, balik FB ako…Sya naman ngayon ang nag-lie-low…Hmm anu na kaya nangyayari sa kanya? (biglang na-miss?! shete! hindi pwede!)

[6] Huwag na munang makipagkita
–>> Malabo na tong ma-break! =)

[7] Wag mashadong makinig sa mga senti na kanta
–>> Nakikinig pa rin ako, hindi ko mapigilan eh! =)

[8] Parusahan ang sarili sa tuwing naiisip sya
–>> Hindi na kelangan parusahin ang sarili..Kase mismong ang pag-iisip sa kanya ay parusa na!!!

[9] Plan for the future and get over the past
–>> I’m on my way…Konti na lang =)

[10] Consider meeting new friends
–>> Wala pa…Hindi ko pa alam kung pa’no to gagawin…Parang hindi na yata ako maiinlove! hahaha!

PS: malapit na birthday nya, sa weekend na! so anu ngaun???? hayst! :/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s