I’ve been drunk for the longest time! Hindi ko alam kung kelan ako magiging sober ulet..Hindi ko alam kung bakit nalululong ako sa pinakamalupet na bisyo–ang ma-inlove!
It’s almost one year…Isang linggo na lang before my broken heart’s anniversary! and I’m planning to celebrate on that day! party party! :D hindi ko lang maintindihan kung naka-recover na ba ako or hindi…i still feel the pain! i still cry for the crappy reason that I have been in a pseudo-relationship and i ended up a loser! crap di ba? [kung hindi nyo alam kung anu’ng ibig sabihin ng pseudo-relationship, i-Google nyo na lang po, madaming lalabas ng blog about dito! :D]
Yeah, i’ve seen it in movies, i’ve heard stories of the same plot, at alam kong in the end, may malulugi…alam ko na bihira ang happy ending sa gan’tong sitwasyon… pero wala eh! ginusto kong i-try eh, para astig! masaklap pala! hahaha! iba pala talaga pag naka-experience noh kesa sa iniimagine lang, mas may sense ang pag-eemote!
Ang masama lang dito, para akong tanga na mashadong affected, na at the end of the day, mapapaisip ako “bakit nga ba gan’to ang behavior ko? bakit nga ba nag-iinarte ako? bakit nga ba hindi ko matanggap na…ewan ko!” ..nakaka-stress isipin ang maraming bagay, nakakapagod isipin ang mga reasons kung bakit nga ba ganun ang nangyari…walang mag-eexplain, walang magbibigay ng clue…wala!
So anu ba ang gusto kong i-point out ngayon? gusto ko lang mag-attest na ang isang relasyon na malabo, ay parang mataba, hindi nag-wowork-out! hahaha! joke lang, may nagforward lang ng text! dinadaan ko na lang lahat sa kalokohan, pero seriously, i really don’t like what i’m going through right now.. [biglang nagseryoso eh!]
Aminado ako, bitter pa rin ako ngaun sa naudlot na relasyong yon… Naghahanap pa rin ako ng valid na reason para ma-justify kung bakit hindi pwede…kung bakit hindi pwedeng maging kame…kung bakit hanggang ganun na lang yun! Siguro nga wala talagang rason kung bakit pumapalpak ang “testing” na relasyon, in the same way na a lot of times, nagmamahal tau ng walang dahilan! labo! kainis! Nahihirapan tuloy ako na mag-entertain ng mga posibleng prospect! natotrauma kase ako, i tend to generalize the male sexuality… when someone makes me feel special, i back off… ayoko ma-attach agad, ayoko maging concerned, ayokong magpaka-sweet! ..dahil takot ako na mapunta lang sa wala ang lahat. iniiwasan ko ang mga taong pa-fall! sad di ba? hehe! takot nga ba ako? or hoping pa din na baka may chance pa kame?! yaiks! nagpapaka-stupido na naman ako! erase erase erase! :D
Lasing pa rin siguro ako hanggang ngayon… Pano ba matanggal ang amats ko??? Hangover…