…nagmumuni-muni lng sa gitna ng ka-busy-han sa opisina…bakit kase may mga taong hindi makaintindi ng salitang “seryoso ako, tama na sabi”, hindi na tumigil sa pang-aasar, sa pag-paparinig, at sa pagpapaalalang unfair ang buhay…di ako nagagalit, kelangan ko lang ng pang-unawa…
oo! nakakaasar makitang pilit nilang tinatago ang pagsambit ng pangalan ng taong sumisira (ngunit kumukumpleto) ng araw ko… kunwari maingat sila sa mga kwentuhan pero rinig at ramdam ang pambu-bully. hindi magawang magalit, pero kakayaning magpanggap na hindi apektado. taena! lakas na ng musik na lumalabas na sa headset, pero rinig pa rin…rinig pa rin.
tatawa ng malakas…mam-bully para makaganti..yan lang ang nagpapalakas ng loob ko… subalit matapos ang lahat ng pekeng kaligayahan, pag-uwi ng bahay, parang talunan na iiyakan ang unan. basa na naman! ewe! at kelangan ng palitan! at sa mga ganung eksena sa buhay, hindi maiwasan ang pag-alala sa mga saya, harutan at kilig ng nakaraan. oo, sobrang nakakakilig kahit na hindi naramdaman ang pagpapahalaga. kathang-sipsipisip, badtrip!
pero paulit-ulit na nagmumuni-muni…hanggang dun na lang ata talaga..hanggang dun na lang ata gabi-gabi…
**bago pa makalimutan kung panu’ng kiligin, juskow sana maramdaman na ulit ngaun din! [demanding]
can-relate! =)
really? hehe! :)