Chito Miranda: Ang Kwento sa Likod ng Kanta

Since I have always been online on Facebook (FB) lately, na-addict ako sa kakabasa ng mga trivia na pinopost sa Fan Page ng Parokya. hehehe! :D Ang pinakamasaya dun is to know about how they actually came up with their songs na until now, kahit paulit-ulit sa playlist ko, ay enjoy na enjoy pa rin akong pakinggan! :)

Some of the stories are already familiar to me, since previously, may mga na-publish na sa mga magazines. But reading them again, made me love their songs even more! <3 Though marami din naman sa mga trivia na ngaun lang talaga naikwento ng banda. Sobrang kwela basahin, kase from simple events/moments, nakakabuo ng ganun kagandang mga kanta! Astig! \m/

Sa sobrang tuwa ko, natripan kong i-compile yung mga kwentong yun. Isa pa, medyo lagi akong naka-mobile FB, kaya mahirap balikan yung mga posts. hehehe!

So here are Chito’s stories/trivias about some of their songs:
(Disclaimer: All trivia/stories were lifted from Parokya ni Edgar’s Official FB Fan Page)

——
Ok Lang Ako by Chito Miranda
11th Album: Middle-Aged Juvenile Novelty Pop Rockers

Isang araw, palabas ako ng Shangri-la mall nung makita ko sa Sir Ogie Alcasid at Ma’am Regine Velasquez na bumibili ng frozen yogurt. Lumapit ako at nag-hello. After ng konting kamustahan, nakwento nila na nagrerecord ng bagong album si Ma’am Regine at tinanong nila ako kung pwede ko ba daw sya gawan ng kanta.

Sabi ko “Ayoko.”
Joke lang…syempre sabi ko oo.

Nag-isip ako ng kanta na pwedeng kantahin ni Ma’am Regine. Syempre hindi naman pwedeng kung anu-ano lang…una kasi sya si Regine Velasquez, pangalawa, babae sya…(di naman pwedeng tipong “Don’t Touch My Birdie” ang ibigay ko, diba?). So i came up with a song na sa tingin ko ay pwedeng manggaling sa point of view ng isang babae at tingin kong babagay for Ma’am Regine.

The song was “Ok Lang Ako

It was a simple ballad na chill lang buong time, tapos may drama at birit sa dulo ng kanta pagdating ng climax…very Regine. So gumawa ako ng demo at ine-mail ko kay Sir Ogie. He told me that Ma’am Regine loved it. Problem is, so did I. Sobrang nagustuhan ko yung ginawa kong kanta…kahit point of view sya ng babae nung sinulat ko, narealize ko na pwede rin syang point of view ng lalake.

Nahiya naman akong bawiin. (dati kasi, nagpagawa na ng kanta si Ogie kay Gab, pero nung natapos yung kanta, di namin binigay kasi nagustuhan din namin masyado…pero that’s a different story…)

Since sobrang nagustuhan ko rin yung nagawa kong kanta, i asked them kung ok lang ba sa kanila na isama namin yung version namin sa bago naming album. Pumayag naman sila. :) (…buti nalang pareho kaming Universal!)

So we did…sinama namin sa album yung mismong demo recording na binigay ko kay Ma’am Regine. At tingin ko, isa ‘to sa mga pinaka magandang kanta sa album.

——
Pangarap Lang Kita by Chito Miranda
11th Album: Middle-Aged Juvenile Novelty Pop Rockers

2yrs ago, my friend Dom (our sound engineer) was recording an album for some chinese girl named Happee. Dom kept on mentioning how cute she was. He also mentioned that she had no intentions of releasing what she was recording…she just wanted to make an album for fun. At dahil malandi ako, may bigla akong naisip…

Naka-isip ako ng paraan para makiliala ko si Happee na di ako magmumukang desperadong makilala ko sya.
Sabi ko, “Dom, tanungin mo si happee kung gusto nyang gumawa ako ng kanta para sa album nya”
“Naku! Matutuwa yun!” sagot ni Dom.
Sa loob loob ko…”yari ‘to!” :)

Nag-isip ngayon ako ng kanta na magandang gawin para kay Happee…DAPAT DUET!
(para makasama ko sya sa recording). DAPAT TUNGKOL SA ISANG PINOY AT SA ISANG CHINESE GIRL! (para padaplis…hehe! style ko talaga bulok!). Sinimulan ko gawin yung kanta…inisip ko “sana gumana ‘to!”

Kinabukasan, natapos ko na agad yung kanta. “Pangarap Lang Kita” yung title. Nirecord ko agad yung demo sa bahay ko at pinadala ko agad kay Dom via email.
Nagreply agad si Dom,”Ang ganda ng kanta!”
Sa loob loob ko, “sana magustuhan ni Happee…please Lord!!!”

After a few days na walang balita, nagtext bigla si Dom.
“Chit! Sobrang nagustuhan ni Happee yung kanta! Nilagyan nya pa ng chinese chorus!”
Ang laki ng ngiti ko! Binasa ko yung karugtong ng text..
“Tapos na namin irecord. Padala ko sayo yung kopya”
“TEKA…TAPOS NA?!” sa loob loob ko “ano nangyari? Bakit di ako sinama sa recording?!”

Nagtext agad ako kay Dom…
“Tapos na yung kanta?! Nirecord nyo na?! Teka…kelan ko irerecord vocal parts ko?”
Nagreply si Dom, “Ginamit ko nalang yung boses mo dun sa demo na pinadala mo…ok na kasi yung pagkaka-kanta mo dun kaya di mo na kelangan irecord ulit! :) ”
Sabi ko sa sarili ko…”patay.”

Pinadala ngayon ni Dom via email yung kanta at pinakinggan ko agad. I was blown away. I fell in love with the song and with the way Happee sang her parts. I knew we had a great song. Sobrang saya ko sa kinalabasan ng kanta…Sobra! Pero badtrip kasi di ko man lang nameet si Happee…

Anyway, dahil nga sa nagandahan talaga ako sa kinalabasan ng duet namin, nagdecide ako na isama yung kanta sa ginagawa naming bagong album nung time na yun…Pumayag naman daw si Happee, sabi ni Dom…
After a couple of weeks, habang nagrerecording kami ni Dom sa studio para sa album, biglang dumating si Happee…Ah!…nung biglang dumating si Happee sa studio habang nagrerecording kami ni Dom and nakita ko sya for the 1st time. Pumasok si Happee sa studio at pinakilala sya sa akin ni Dom.
“Ang ganda ng kanta natin! Sobrang excited na ko!” sabi agad ni Happee.
Sumagot ako, “Ako din…sobra!…arigato!”

Natawa sya ng konti kasi chinese sya pero japanese yung tenkyu ko (nagpapa-cute lang ako pero di yata masyado gumana…). Naupo sya at nagkwentuhan kami…Ang dami naming napag-kwentuhan. Nalaman ko na matagal na pala syang may bf…(eto namang si Dom, di man lang sinabi nung simula pa lang…) . At ngayon ay kasal na sya. Pero kahit sablay yung ending ng kwento ko, nagbunga naman ito ng magandang kanta…

Pangarap Lang Kita

P.S. Alam nyo ba na si Ate Kaye ang nag-isip ng tono ng backing vocals at ng 2nd voice para sa parts na kinanta ni Happee sa kantang “Pangarap Lang Kita“. Nagpatulong ako sa kanya while recording the demo. Sya rin ang nag suggest na si Jm De Guzman ang kunin namin na lead character para sa video. Astig no?!

——
Reunion (Panahon ng Kasiyahan) by Chito Miranda
11th Album: Middle-Aged Juvenile Novelty Pop Rockers

Matagal ko nang nasulat yung kantang “Reunion (Panahon ng Kasiyahan)” na kasama sa bago naming album. 2years bago ma-release yung album, we were asked by the people from Jollibee if we had or if we could come up with a new song na tungkol sa barkada. I said “I have just what you need”…so they bought the song before it was released.

——
Original Song / San Man Patungo by Chito Miranda
11th Album: Middle-Aged Juvenile Novelty Pop Rockers
4th Album: Gulong Itlog Gulong

“Writer’s block is a condition, primarily associated with writing as a profession, in which an author loses the ability to produce new work”

Minsan napagdadaanan ko din ito. May mga panahon na kahit ano gawin ko, walang lumalabas na kanta. Minsan kasi nakakalimutan ko kung bakit ako gumagawa ng kanta. Minsan nakakalimutan ko na na dapat katuwaan lang ang pagbabanda…

Iba kasi yung pressure when everyone expects you to come up with a hit song…pero di mo talaga pwedeng pilitin yung sarili mo gumawa ng kantang hindi mo trip kasi parang niloloko mo lang yung sarili mo as an artist. Kaya naman…pero corny na. You have to come up with something that you honestly feel is beautiful…something that you would honestly enjoy listening to.

Gumawa ako ng kanta tungkol sa difficulties sa pag-gawa ng kanta. Labo no? (coming up with a song about not being able to come up with one).

Actually, i have 2. I’m very proud of these 2 songs kasi for me, sobrang honest ng mga kanta…it makes me feel that i am truly an artist, and at the same time, it reminds me that i’m not. it reminds me that i’m just a goofball having fun.

Yung unang kanta, pinapa-alala ko sa sarili ko na magsulat para sa sarili…na wag masyado mag-isip, at wag kalimutan yung dahilan kung bakit ako nag susulat ng kanta. Isang paalala sa sarili na di importante kung sikat kami o hindi, na wag intindihin kung ano ang naabot at kung saan aabot at kung kelan ititigil ang pagbabanda. Basta enjoy lang.

San Man Patungo

The 2nd song talks about the difficulties of coming up with new songs, and the pressures of being a songwriter in a band where you don’t want to compromise your artistic integrity but at the same time earn and make a living out of it…dahil ayoko maghanap ibang trabaho. Sobrang saya kasi para sa akin ang magbanda.

Original Song

——
Iisa Lang by Chito Miranda
10th Album: Solid

I was raised as a catholic but i find truth in all religions. As long as a religion says that one must love and respect everyone else regardless of race, creed, or color…i embrace it.

I wrote a song once about faith. It talks about God driving me around as i enjoy the ride, having total faith na kahit anong gawin ko, as long as He’s driving, everything is under total control

Iisa Lang

——
Muli by Chito Miranda
8th Album: Halina sa Parokya

Sorry Dar! ikaw ulit!
Dati may naging gf si Dar na crush naming lahat (bukod pa dun sa naka-pink sa Yesyeshow MV). Secret kung sino (basta ex-PBB celebrity housemate! hehe!)

Nung nag-break sila, sa sobrang lungkot, nakagawa sya ng isang kanta na kahit hindi namin ginawang single, naging isa sa pinaka-sikat na kanta ng Parokya.

Muli

——
Mang Jose by Buwi Meneses
8th Album: Halina sa Parokya

We were asked to write a song for a compilation album called “Rok On”, inspired by the online game, Ragnorok. (kung saan unang lumabas yung kanta ng Kamikazee na “Chiksilog”)

Buwi was able to come up with one at sobrang nagustuhan ko yung tono kasi parang anime soundtrack. Sabi ko “wag na natin ibigay yan…gamitin nalang natin sa album natin!”…

Kinuha ko yung kantang ginawa ni Buwi for Ragnarok, tapos pinalitan ko yung lyrics…Ginawa kong “Rai Muzen” yung title ng song…(tunog old school japanese hero kasi para sa akin yung pangalan kaya i decided to use it as the title for our new song). it talked about a super hero na naniningil.

Sabi ni Darius, “palitan mo ng pangalan…gawin mong Mang Jose!”
kaya yun.

——
Bagsakan by Chito Miranda
8th Album: Halina sa Parokya

Kakatapos lang namin irecord ni Sir Kiko yung yesyeshow para sa inuman sessions vol.1 nung bigla nya akong tinawagan a few days after. sabi nya “Chits, gawa tayo kanta ni Aris!”

Nakilala ko na si Gloc9 before pero di pa kami tropa nun…ang alam ko lang isa syang malupit na rapper. sabi ko “Game!”

Kinuha ko yung background music sa 2nd stage ng family computer game na “Super Contra” at ginawan ko ng chorus. Nirecord ko yung drumtracks at guitars sa bahay and asked Sir Kiko and Gloc to meet me sa studio after a couple of days…Dun lang nila sinulat on the spot yung parts nila after hearing my part. Si Sir Kiko sa cellfone, si Gloc sa notebook. by the end of the night, nabuo yung “Bagsakan

——
Telepono by Chito Miranda
8th Album: Halina sa Parokya

17yrs ago, bago ko pa masulat yung “Buloy”, i got a 4am call from a girl i was dating. Delayed daw sya. I started to write a song about it. After a couple of days, we found out na false alarm. Di ko na tinapos yung kanta.

10yrs later, i decided to finish the 2nd half of the song. “Telepono

——
Pedro’s Basura Mix / Pedro the Basuraman by Chito Miranda
8th Album: Halina sa Parokya
3rd Album: Jingle Balls Silent Night Holy Cow

Alam nyo ba yung “Pedro the Basuraman” after ng kantang “Bagsakan”? Pangalawang kanta/filler na namin yun tungkol sa kanya. Hehe! Yung una nasa Xmas album. (sa mga may Xmas album, hanapin nyo…may filler dun tungkol sa kanya)

——
Alumni Homecoming by Chito Miranda
6th Album: Bigotilyo

Dati, pauwi kami mula sa isang out of town gig, nagka-sentihan kami at nagkwento bigla si Dar tungkol sa kanyang HS crush sa La Salle Lipa. Si Que Hon Tan (HAHAHA! Laglagan na ‘to!)

Ang ganda ganda ng kwento nya pero ang lungkot ng love story nila…kaya ginawan ko ng kanta.
Alumni Homecoming

——
Parang Ayoko na Yata by Chito Miranda
6th Album: Bigotilyo

Sinulat ko yung “Parang Ayoko na Yata” para sa sarili ko. The lyrics were directed towards me, mula sa point of view ng gf ko nung time na yun. Sya yung pinaghintay ko mula 1pm to 6pm, ako yung biglang nag ice skating, ako yung may ibang lakad nung kakain na kami, at sya yung malas kasi mahal nya ko at di nya kayang magalit sa akin.

I was still young and immature when i did those things…nung tumanda na ko at nag-mature ng konti, i realized my mistakes and decided to write this song…acknowledging the fact that the things i did were wrong. never ko minura yung girl…minura ko yung sarili ko.

P.S. ako yung mataas na boses sa chorus at yung pumito sa dulo. :)

——
Mr. Suave by Buhawi Meneses
6th Album: Bigotilyo

We just finished recording all our songs for Bigotilyo, nung nagkaroon bigla ng idea si Buwi for an album filler…Pinarinig nya sa amin at tawa kami ng tawa. Nung natapos na nya yung filler, sinama namin sa album.

It became Parokya’s biggest hit. “Mr. Suave

——
Sorry Na by Chito Miranda
5th Album: Edgar Edgar Musikahan

Dati, nag-away kami ng 1st gf ko (yung med student) tapos muntik na kami mag-break kasi minsan, kung anu-ano nasasabi ko kapag mainit ang ulo ko. :( I thrive on my ability to express myself during the peak of my emotional outburts, but it does get me into trouble sometimes…Sa sobrang guilty ko, napasulat ako bigla ng kanta para sa kanya…

Sorry Na

——
Halaga by Chito Miranda
4th Album: Gulong Itlog Gulong

Sinulat ko yung “Halaga” para sa room mate ng gf ko nung time na yun. Nakaka-awa kasi yung room mate nya (at medyo nakaka-inis kasi ang tigas ng ulo) kasi sobrang sama ng bf nya at lagi nalang syang umiiyak…pero di naman nya maiwan. And i wanted her to realize that she was worth more than that.

…that is why i wrote her that song.

——
Your Song by Gab Cheekee
Bonus Track

Dati may sinulat si Gab na kanta para sa asawa nya. Nung una, nagdadalawang isip pa kami isama sa album kasi parang “mushy” masyado. Pero nung nirecord na ni Gab, sobrang nagandahan kami lahat!!! Siningit namin yung kanta sa album as a bonus track (kaya wala syang official title) and became one of Parokya’s most popular songs…

Sabi ni Gab, ang title daw nung kanta ay “Your Song

——
Gising na by Chito Miranda
4th Album: Gulong Itlog Gulong
3rd Album: Jingle Balls Silent Night Holy Cow

Unang lumabas yung “Gising na” sa Xmas album namin na “Jingle Balls Silent Night Holy Cow” (gitara at vocals lang…) . It was again released on our 4th album “Gulong itlog Gulong” na may kasama nang keyboards…(pero mastrip ko talaga yung orig version)

I wrote it for my 1st gf who was a med student nung time na yun. Pero nung una, hindi talaga “Gising Na” yung kanta…Being in med school, laging puyat yung gf ko kaka-aral, at awang-awa talaga ako sa kanya kasi sobrang kulang sya palagi sa tulog…The 1st line i wrote was “tulog na…ipikit ang iyong mata, tulog na”.

I liked how the song started, but i wasn’t in love with it…I stopped and went towards the opposite direction. “gising na…buksan ang ‘yong mga mata, gising na”

Natapos ko agad yung kanta and fell in love with it! My favorite line was “nagsama ang ginaw, at ang lambing ng araw”, which was a familiar feeling para sakin tuwing simbang gabi kapag sumisikat na ang araw (remember, this song was written while we were writing songs for our Xmas album and i wanted to use that line sa kantang “Simbang Gabi” pero di ko masingit…so i included it in this one)

My 1st gf is a doctor now. She’s happily married and is currently based sa US. Anyway, yun po yung kwento ng “Gising na“. Sana natripan nyo… :)

——
Sampip by Chito Miranda
2nd Album: Buruguduystunstugudunstuy

Dati, may nagawa at napagtripan akong chord pattern sa gitara na paulit-ulit kong tinutugtog. Enjoy na enjoy akong tugtugin pero di ko malagyan ng words at lyrics kaya binigay ko kay Gab kasi baka sakaling malagyan nya ng words, lyrics at tono.

After a few days, binalik nya sa akin yung kanta…kumpleto with lyrics na may magandang tono. kulang nalang title…

Nagandahan ako sa kanta pero may gusto akong palitan at idagdag sa kanta kaya gumawa ako ng sarili kong version. We could not decide which version to use sa album kasi parehong nagustuhan ng mga kabanda namin. We decided to include both. Kaya nagkaroon ng dalawang versions ang “Sampip

Actually, we came out with 5 versions:
3 sa Buruguduy:
“Sampip”-full band, ako kumanta.
“Sampip ni Gab”-acoustic guitar lang, si Gab kumanta
“Sampip All”-acoustic guitar lang, lahat kami kumanta (cassette)

1 sa Jingle Balls:
“Christmas Bonus”-version ko ng “Sampip”, acoustic full band set up.

1 sa “Akustik Natin 2”:
“Sampip ni Gab” pero ako kumanta.

——
Magic Spaceship by Chito Miranda
2nd Album: Buruguduystunstugudunstuy

Marami siguro sa inyong nakaka-ala​m na sobrang fan ako ng Eheads. Pero alam nyo ba na malaking fan din ako ng Rivermaya? Dati, may sobrang natripan ako na kanta ng Maya…sab​i ko sa sarili ko, “gagawa din ako ng kantang ganyan…” The titile of their song was “Elesi”

Sobrang naaliw at na-inspire​ ako sa concept na pwede maging form of “escape” ang music…na​ kung badtrip ka, pwedeng baguhin at pagandahin​ ng music ang mood mo.

So i took their concept and came out with my own version based on their song.
Magic Spaceship” isa ito sa mga paborito ko kong kanta ng Parokya.
Salamat Rivermaya!

——
Silvertoes by Chito Miranda
2nd Album: Buruguduystunstugudunstuy

Nung nasa UP pa kami ni Dindin, may tinatambayan kami na pinagtatambayan din ng isang pandak na babaeng maitim at pangit na nakaka-asar yung ugali. (ok lang naman na di sya maganda eh, pero pangit kasi ugali nya…i should know kasi i’ve known her since high school).

English ng english ng slang tapos SOBRANG LOUD (papansin)! Tapos dikit ng dikit sa magagandang girls para “in” sya. Laging naka silver nail polish yung toe nails nya (kahit parang hinlalaki naman lahat at magkakagalit yung mga daliri nya sa maitim nyang paa!). Kaya sya tinawag ni Dindin na “Silvertoes“. Dun ako na-inspire isulat yung kanta…sa sobrang pagkaka-irita ni Dindin sa kanya.

——
Maniwala Ka Sana by Chito Miranda
1st Album: Khangkhungkherrnitz
Sayang by Chito Miranda
2nd Album: Buruguduystunstugudunstuy

Dati may kabarkada akong babae sa UP Diliman. Pangalang nya “Michelle”. Hindi naman sya maganda…cute lang. Anyway, tropa lang talaga kami at araw araw kaming magkasama…pero everyday na nakakasama ko sya,
parang napansin ko na dahan dahan akong nadedevelop…

Since kabarkada ko naman si Michelle, and since close talaga kami, kaya ko syang biruin at daanin sa mga pa-cute na hirit na may gusto ako kunyari sa kanya…palagi ko syang tinutukso sa akin. Hehe! Tatawa lang kami at ng mga kabarkada namin…Di nila alam na may gusto pala talaga ako sa kanya

Since parang joke lang palagi yung mga hirit ko, nahirapan akong aminin na siryoso ako…I really wanted to tell her. Pero ang hirap humanap ng timing..at sa isang torpeng katulad ko, NEVER dumadating ang tamang timing. Hanggang nakita ko nalang si Michelle na may ka-holding hands mula sa kabilang section. patay.

Para akong sinuntok sa dibdib. Bakit wala akong ginawa?! Na-isip ko “kelangan ko ipa-alam ang tunay kong nararamdaman” . I wrote her a letter. I told her everything…na matagal na akong may gusto sa kanya. Napa-i love you ako ng di oras sa letter ko sa kanya. Nilagay ko yung sulat sa bag nya.

Kina-usap ako ni Michelle after nya mabasa yung sulat ko. Tinanong nya ko kung siryoso ba talaga ako sa mga pinagsasabi ko sa letter. Sabi ko oo. Di sya naniniwala. Kasi kung totoo daw yun, i would’ve done something about it. Feeling nya tuloy ginagago ko lang sya at parang di nalang nya pinansin yung mga sinabi ko sa sulat. Mula noon, hindi na kami tulad ng dati…

Lumipas na ang panahon at may asawa na si Michelle, and we’ve remained good friends hanggang ngayon. Pinagtatawanan nalang namin ngayon yung mga nangyari nung college pa kami. At proud naman sya na may dalawa akong nagawang kanta para sa kanya.

Maniwala Ka Sana” at “Sayang” :)

——
Tatlong Araw by Chito Miranda
1st Album: Khangkhungkherrnitz

9yrs yung 1st serious relationship ko.bbPero bago mangyari yun, may naging gf ako, pero not counted.
(malalaman nyo kung bakit…). itago nalang natin sya sa pangalang “Grace”. Kapitbahay namin sila Grace, at matagal ko na syang kaibigan…

Kuya Chito ang tawag sakin ni Grace…(kahit pareho naman kaming 3rd yr hs at kahit alam naman nyang patay na patay ako sa kanya). At kahit alam nya may gusto ako sa kanya, magkasundo talaga kami bilang magkaibigan at halos araw araw kaming magkasama…pero never kami naging sweet. ngunit isang araw, nagbago bigla.

April 1, 1993 – Sumama ako sa kanila ng sister nya mag-bisita iglesia…boyfriend ng ate nya yung nag-drive tapos dun kami ni Grace sa likod. We suddenly found ourselves holding hands. This never happened before. And by the time na matapos namin bisitahin yung ika-pitong simbahan, sobrang sweet na namin ni Grace.

Sobrang saya ko nun!!! Kada simbahan na bisitahin namin, nag-uumapaw na pasasalamat yung nilalaman ng bawat dasal ko…Tenkyu Lord!!! Kulang nalang mag-cartwheel ako pabalik ng kotse sa sobrang kilig.
Pag-uwi namin, tinanong ko sya “tayo na ba?”
(i was only 17…totoy pa ko nun…hayaan nyo na!)
Sumagot sya, “subukan natin…”

The following day, tumawag ako sa kanila. Umalis daw si Grace kasama ng pamilya nya…
(land line lang kasi meron nung time na yun kaya ang hirap!). Tumawag ulit ako after dinner…wala pa rin sila. Nahiya na ko tumawag after that kasi late na…(napaka-hirap ng land line!)

April 3, 1993, tumawag ako at naka-usap ko si Grace. She was bubbly as usual…and it felt weird. Weird because everything was normal…as if nothing happened. Nakipag-kwentuhan sya the way she always did. And she was as natural as how she had always been. and it felt so strange and awkward because it felt as if i was waiting for something. i had to ask…and so i did

I asked, “tayo na ba talaga?”
Sumagot sya, “…ha?”
“Diba sabi mo susubukan natin?” sabi ko…
Sumagot sya, “diba April fools’ day nun?…siniryoso mo ba?”
Sabi ko “oo.”
Sabi nya, “Ano ka ba?!”

I felt my chest cave in…kaya sya “not counted”. April 1, April fools’ day…hence the line “araw ng kalokohan”.
Tatlong Araw

Me and Grace are still good friends hanggang ngayon. :) (pero di ko na sya crush. haha!!!)

—–
Inaabangan ko pa yung mga bagong trivia sa FanPage; i-a-update ko na lang once may bago na! :) For now, eto muna! hehe! \m/ ..and may fave line coming from Chito himself: “Love, Respect, Good Vibes!” :)

Advertisement

4 thoughts on “Chito Miranda: Ang Kwento sa Likod ng Kanta

    • walang anuman boi. correction po, mam po ako. :)
      cge lang…inipon ko lang namn yang mga kwento ni Chito sa FB.. i guess pwede mong gamitin, just put a disclaimer :) para walang plagiarism hehe

    • Sorry hindi ko na na-update. :) medyo alam ko yung kwento, pero ni-research ko na rin….
      Eto oh. Click here for the link. :)

      “Buloy was actually a real person, an FEU fine arts student, but he was still alive when the song was written. He was one of the band’s close friends kase sobrang bait daw. He actually appeared in the video of Buloy. The song wasn’t a true story about him then; they simply got his name. but sadly, some time later, buloy did commit suicide because of several personal problems. “

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s