Bad Trip Ka!

“Nakikita pa lang kita, parang gusto ko nang masuka! Bad trip ka!” —eto ang personal tag line ko for Bad Trip, a kind of cocktail served at Central Bbq Boy Grill. Perstaym ko’ng matikman yung Bad Trip (which accordingly is the bestseller) during our April 15 booze session which culminated our 2011 busy season. During that time, isang pitcher lang yung na-try namin, along with a pitcher of Bad Boy and Bad Girl; just for the sake of trying the drink hehehe. Mas trip kase namin yung Red Horse Beer (RH) eh! :)

Bad Girl...Bad Trip...Bad Boy

The Bad Trip Experience

First try of Bad Trip, hindi mashado umepekto sakin, kase nga konti lang talaga yung nainom… Ayus naman yung lasa, parang juice lang, pero wag ka, traydor ang Bad Trip (para sa’kin ha, na hindi sanay sa mixed drink)!

During my second session at Central, tinamaan ako ng sobra sa Bad Trip! Di ko alam kung nasobrahan lang ang inom ko nun kase hindi ko na mabilang kung nakailang shots ako ng Bad Trip at ng kung anu-anu pang mga mixed drinks (i.e., chocolate-like iced drink, blue-colored-i-forgot-the-name-of-the-drink). Sa sobrang bad trip, napasuka ako for the first time in my alcoholic life! demet! :) Kung kelan pasara na yung Central at kame ay pauwi na at 5 am, saka pa lumabas yung sama ng loob, di ko napigilan ang pagsuka, ang sama ng tama ko nun! :(

The following day, sobrang sakit ng ulo ko, matindi ang hangover… at may after-taste effect pa! Siguro for someone like me na hindi sanay sa mixed drinks, hindi mashadong papatok ang drink na to hehe! Parang nasusuka pa rin ako kinabukasan at walang appetite! okei sana sa pagda-diet, kaso ayoko ng feeling ng nasusuka pero wala namang nailalabas! sakit sa sikmura! bad trip! :(

So from then on, parang gusto ko nang isumpa ang Bad Trip hahaha! On my next session at Central, konti na lang ang intake ko ng Bad Trip, yung sakto lang… tapos RH na yung ininom ko, para lang mawala yung lasa ng Bad Trip! Sanay lang siguro talaga ako sa beer, kaya hindi ko trip ang Bad Trip… parang pag lalo kong tinititigan yung blue-green na inumin, ay gusto kong masuka! hahaha! OA man, pero ganun yung feeling ko pag kaharap ko ang Bad Trip!

The Bad Trip Recipe

Dahil sa curious ako, inalam ko kung anu yung mga hinalo to come up with Bad Trip Drink, although wala naman talaga akong balak gawin tong mix na to! haha! Curious lang, baka gusto nyo i-try! Based on my haphazard research: Bad Trip daw is a mixture of melon liqueur, coconut rum, gin, vodka, Blue Curacao liqueur, raspberry liqueur sweet and sour mix. Below is the proportion of the mixture for a serving of Bad Trip (Read more http://www.drinksmixer.com/drink1p51o52.html):

1/2 oz Midori® melon liqueur
1/2 oz Malibu® coconut rum
1/2 oz gin
1/2 oz vodka
1 oz Blue Curacao liqueur
1/2 oz Chambord® raspberry liqueur sweet and sour mix

Hayan! Try nyo na lang sa bahay… Or hindi kaya, visit Central, for their version of Bad Trip. Kaya pala iba ang dating sakin ng Bad Trip, may Vodka pala! Dati pa, hindi ko talaga trip ang Vodka, ayoko ng lasa!!! Pang-bitter drink lang siguro yung taste buds ko noh? Beer pa rin! :)

Advertisement

6 thoughts on “Bad Trip Ka!

  1. sorry pero parang mali yung recipe mo tsong.. Bad Acid Trip yun hindi Bad Trip..

    Eto ang nakasulat sa menu sa central: Vodka, White Rhum, Gin, Juice, pitcher.
    sa base spirits/liquors pa lang mali na yung recipe mo dahil vodka, gin at white rhum and primary base ng badtrip according sa menu.

    yung juice naman ay combination ng blue curacao at pineapple juice.. mas madami ang pineapple juice kesa blue curacao kaya blue green yung kulay..

    sana nakatulong to.. cheers.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s