Tawanan ang Kamalasan!!! :D

Ako na ang minalas sabay biglang naging busy! hehehe! Pero kahit mejo naging busy ako today, naisingit ko pa rin to! hahahahooray! :D Di naman tlga ako naniniwala sa kamalasan na dala ng Friday the 13th (kung totoo man), pero sa mga nangyari sakin sa araw na’to, parang gusto ko nang maniwala! haha! grrr!!!

Eto na yun:

1. Umagang-umaga, naputol ko ang eyelashes ko!!!

Hayst! Sinusumpa ko ang black rubber na yan!!! hehe! :((


Owyes! Ang eyelashes kong medyo mahahaba! (medyo lang) Anakng! Excited pa naman ako na-icurl ang lashes ko dahil kakabili ko lang nung rubber para sa eyelash curler ko…haha artemuch eh! eh di yun nga, nilagay ko na yung rubber na medyo ayaw kumapit sa metal, pero pinilit ko pa din! hehehe! tapos nung pagka-press ko nung curler, hala! naglaglagan na ang mga eyelashes ko! teka, hairfall?! wahahaha naputol! tanggal halos lahat! Parang nakalbo! :(((

Sinubukan kong idaan sa mascara, pero halata pa rin! Inisip ko na mag-a-eyeglasses na’ko araw-araw para hindi lang makita! ahaha! pero kita pa rin sa malapitan!!! parang gusto kong gupitin na lang pati yung eyelashes sa kabilang mata, para pantay sila! :(

Pero ni-google search ko na, tutubo pa rin ‘to, pero hindi ganun kabilis! hehehe!
.
.
2. Naligaw sa Jakarta on my 5th day!!!

Direction from house (A. Jalan Karet Pedurenan) to office ( B. Indonesia Stock Exchange Bldg)


Hindi ko naman perstaym mag-taxi mula bahay papuntang office, pero bakit naligaw kame!? Sinabi ko naman sa Kuya Taxi Driver na sa “Beh-Eh-Jeh” (in English, “B.E.J.”) kame ni Love ibaba, pero ang dinig daw ni Kuya ay “Beh-Es-Deh” (in English B.S.D.). Kalokah di ba?! May mapa nga si Kuya, di naman tama ang destinasyon na nilolocate nya sa mapa!!! arghh!! :(

So annyare???! Ang usual na 15-min travel ay naging 1 hour and 15 minutes! jusko! Instant unplanned tour around Jakarta! At ang normal na IDR15,400 ay umabot ng IDR72,000+!!! Akala ko makakamura kame ni Love, annyare?! Mas mahal pa ang hatian namin sa normal na pamasahe! hahaha! Imbes na makamura, ay mapapamura ka sa nangyare! Naman oo! Pero bakit ganun? Sa halip na magalit kame kay Kuya, eh naawa pa kame…awww hahaha! :( Partida, may TPE pa si Love ng 9:00am, pero 10am na kame nakarating ng office! hahaha! bad bad bad! [Pero mas gusto ni Love na ma-late para hindi na sya ang magdidiscuss sa TPE haha!]
.
.
3. Bisimi on a Friday!!!
Dahil late nga ako, wala ng time para makapag-relax bago sumabak sa mga hamon ng araw na ‘to! Nung una, nag-iisip ako kung anu na naman gagawin ko, baka petiks na naman, eh mabuti pang umwi na lang ako! haha! jokelang! Pero wag ka, mga bandang magla-lunch na ay kelangan ko palang makipag-discuss sa Partner (in English charrr!!!) para dun sa AUP proposal! So panic mode saglit tapos bahala na si Blink!! Hay buti naman at maayus ang pag-uusap naming yun! hehe clap clap clap! :D

Pero saglit lang ang relief na yun, biglang bisimi ulet nung kinamusta ang pagrereview ko ng Convertible Bond Agreement chorva under sa ibang partner naman! Teka lang ha, ina-absorb ko pa ‘tong binabasa ko, nagpa-pressure naman daw ako! hehehe! pero heto, work at home na lang to! bleh! :D

Malas na kung malas, pero masaya naman!!! :D

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s